CHAPTER 21
Nang makarating sila sa ospital ay dalawang naka-unipormeng pulis ang nakaabang sa kanila. Sumunod sila sa mga ito papasok. Joax snuck a glance at Charlie. Her face remained passive. Medyo nag-aalala na siya dahil kanina pa ito sa sasakyan walang imik. He wanted to ask her what was wrong, but couldn’t bring himself up to it. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng hiya pagkatapos ng naging panaginip niya kanina.
Natigilan siya when Charlie stopped dead on her tracks, horror mirrored on her face. Naalarma siya at sumunod ng tingin sa kung ano man ang nakapagpatigil dito. They were outside a room at the hospital. Maging siya ay nanlamig nang makita kung saan sila dinala ng pulis.
“Bakit tayo nandito?” agad na tanong niya.
“Pasensiya na po kayo, sir. Pero nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng mga kasamahan ko at ng suspect. Nanlaban po kasi siya kaya wala kaming nagawa kundi mag-retaliate. Napatay po siya sa shootout kanina,” paliwanag naman ng pulis.
Nilingon niya si Charlie na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. “Are you alright?”
He watched her take a deep breath and square her shoulders. “Oo naman. Tara na ng matapos na ‘to.”
Alam niyang she was only putting up an act. He could tell by the way her cheeks lost color. Pasimple niya itong inakbayan at magkasabay silang pumasok sa morgue.
Linapitan ng pulis ang isang bangkay na natatakpan ng puting kumot. He felt Charlie tense nang dahan-dahang tanggalin nito ang pagkakatakip sa mukha ng walang buhay na katawan.
“Oo, siya nga. Hindi ako pwedeng magkamali,” sabi nito sa maliit na boses.
Tumango naman ang pulis at sumenyas sa kasamahan nito. Nagsulat ang huli sa clipboard na hawak.
“Can we get out of here now?” bulong ni Charlie sa kanya. Isang tingin lamang sa dalaga ay alam niyang anumang oras ay bibigay na ang tuhod nito.
Hindi na siya nagpaalam pa sa mga pulis at mabilis na iginiya si Charlie palabas. He found a bench that was quite far from the cold room kung saan sila nanggaling. Inupo niya si Charlie doon.
“God, you’re so pale. Put your head between your knees and breathe,” utos niya rito.
Tumalima naman ang dalaga. Ramdam niya ang panginginig nito habang masuyo niyang hinahagod ang likod nito. He waited until her breathing became steady.
“Pasensiya ka na,” sabi nito nang iangat ang ulo. “I know this may sound weird, given my job and all, pero ayokong nakakakita ng patay. That was the closest encounter I had. It was awful.”
Kinuha niya ang dalawang kamay nito at pinisil iyon. They were still ice cold. “Don’t worry about it. Ayos ka na ba?”
BINABASA MO ANG
My Damsel in Shining Armor
FanfictionGaling sa angkan ng mga sundalo at pulis si Charlie. Mula pagkabata ay iisa lamang ang gusto niya - ang mapatunayan ang kanyang sarili. Dumating ang pagkakataong iyon sa katauhan ni Joax, ang negosyanteng naatasan niyang protektahan. Sa unang pagkik...