Mahaba-habang update dahil late! HAHAHA. Sorry po... Di bale, malapit na magbakasyon, I'll have more time then.
Salamat sa mga nagbabasa! COMMENT kayo for dedics.
----------------------------------
CHAPTER 17
She was in a good mood when she showed up for work the following Monday. Masiglang masigla ang aura niya at excited siyang bumalik sa trabaho. Tumitiling sinalubong siya ni Ethel pagkakita nitong magkasama sila ni Joax.
“O, nasa’n ang sunog?” natatawang tanong niya rito.
“Na-miss kita! Buti naman at bumalik ka na.”
Nilagpasan siya ni Joax at isang tango ang itinugon nito bago pumasok sa sariling opisina kasunod si Mandy na isang masamang tingin naman ang ipinukol sa kanya. Hindi na bago iyon sa kanya kaya hindi na lamang niya ito pinansin. Si Felix naman ay pumuwesto na sa tabi ng mesa niya kasama ang isang bagong bodyguard dahil nagpapagaling pa rin si Nick.
Agad siyang hinila ni Ethel sa isang sulok. “Alam mo ba nung wala ka sumagad ang kamalditahan niyang si Amanda? Nakuuuuu! Ang sarap tirisin!”
Natawa naman siya sa tinuran nito. “Hayaan mo na. Hindi ka pa nasanay dun?”
“Ayos lang naman sana. Ang kaso, sumabay din na sinumpong si Sir Joax,” lukot ang mukhang pahayag nito.
“Si Joax? Bakit?”
“Hindi ko rin alam. Basta kapag dumarating dito sa opisina, nakakunot ang noo. Tapos aalis na ganun din. Yun bang parang may dark cloud sa ibabaw ng ulo niya. Tatlong empleyado na naman ang tinanggal nitong nakaraang linggo. Nakaka-stress!” saad nito at eksaheradang napatumba sa upuan.
Saglit na napaisip si Charlie. Kunsabagay, hindi na rin naman bago kay Joax ang magsuplado. Ganun naman talaga ang ugali nito nang una niya itong makilala. Nagkibit-balikat na lamang siya at umupo na rin sa sariling desk.
“Pero, alam mo Charlie, parang iba ang aura ni boss ngayon? Napansin mo ba?” dagdag pa ni Ethel.
“Ha?” sabi niya at napatingin sa nakapinid na pinto ng opisina ng binata. “Parang hindi naman ah. Ganun pa rin.”
“Psh! Sinasabi mo lang ‘yan kasi wala ka rito nung tiger mode siya. Ngayon kasi parang ang aliwalas ng mukha niya. Yung tipong kahit na umulan ng malakas, parang masaya pa rin siya?”
“Ikaw talaga, kung ano-ano ang naiisip mo. Bumalik ka na sa trabaho, baka mapagalitan ka pa,” naiiling na payo niya rito.
“Ay, oo nga,” sagot naman ito at tumalima.
Siya naman ay naghanap ng gagawin. Naisipan niyang tanungin si Felix tungkol sa usad ng imbestigasyon sa tangkang pagbaril kay Joax.
“Aah… May lead na po kami, ma’am. Ilalabas na ang computerized cartographic sketch ng suspect mamaya.” sabi nito at hindi masalubong ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
My Damsel in Shining Armor
FanfictionGaling sa angkan ng mga sundalo at pulis si Charlie. Mula pagkabata ay iisa lamang ang gusto niya - ang mapatunayan ang kanyang sarili. Dumating ang pagkakataong iyon sa katauhan ni Joax, ang negosyanteng naatasan niyang protektahan. Sa unang pagkik...