Chapter 11 - Shot to the Heart

2.5K 79 10
                                    

CHAPTER 11

Marahang kinatok ni Charlie and pinto ng opisina ni Joax. Inignora niya ang irap na natanggap mula kay Mandy nang sinabi ng binatang tumuloy siya. Lumapit siya sa mesa nito at agad na napansin ang hawak nitong itim na sobre.

“May kailangan ka?” tanong niya sa binata.

“Look at this,” sabi nito sabay abot sa kanya ng envelope. “Do you think I should go?”

Binuksan niya ang laman ng sobre at tumambad sa kanya ang isang imbitasyon para kay Joax na dumalo sa isang conference na gagawin kinabukasan. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“I got that two weeks ago at nag-confirm na ako. But given my circumstances, threat to my life and all, sa tingin ko kailangan ko pang pag-isipan ng mabuti. Masyadong matao ang venue. As my security advisor, I need your advice. Do you think it’s a good idea for me to go?”

“Kapag sinabi kong hindi magandang ideya ito, ano ang gagawin mo?” she asked, testing him.

“I’ll cancel,” walang kakurap-kurap na sagot nito.

Napangiti si Charlie. Joax was really showing progress these days. Simula nang opisyal siyang ipinakilala nito bilang bodyguard niya ay napansin niya ang pagbabago sa ugali nito. Kinokunsulta na nito sa kanya kahit na ang mga malilit na bagay. Palagi nitong tinatanong kung mahihirapan ba siyang bantayan ito sa tuwing may pupuntahan ito. She didn’t know what brought on this change, but she definitely liked him better this way. Mas madali ang buhay niya kung nagko-cooperate si Joax. She felt like he trusted her more, now.

“Sa tingin ko naman walang magiging problema. Unang-una alam ko ang building na ‘to. Mahigpit ang security nila at siguradong hindi basta-basta makakapasok ang kung sino-sino. At tsaka, nasa isang lugar ka lang naman buong araw. Kaya sige, pwede kang pumunta,” sabi niya pagkatapos mag-isip saglit.

Tumango-tango naman si Joax. “I’m thinking na mag-hire ako ng dalawa pang security. Kahit para lang bukas.”

‘Si Joax ba talaga ‘tong nagsasalita?’ isip ni Charlie. Alam niyang ayaw ng binata na may nakabantay dito. Naalala pa niya ang pag-refuse nito noong una silang magkakilala. Ano kaya ang nangyari at bakit napakalaki ng pinag-iba nito ngayon? Naisip tuloy niyang baka nakakatanggap na naman ito ng mga death threats at hindi lang nito sinasabi sa kanya. Did he finally realize that his life was in danger?

“Magandang ideya ‘yan,” sang-ayon ni Charlie. “Pero, sigurado ka ba? Kung hindi ka kumportable sa mas maraming bodyguards, ayos lang naman. Humingi na lang tayo ng tulong sa event security.”

“I’m sure. Mas mapapanatag ako kung may katulong ka. Para na rin mapadali ang trabaho mo, hindi ba?”

“Sige, if that’s what you really want. Tatawagan ko ang agency para magpadala ng tao rito bukas.”

*******************

“O, sa’n ka pupunta?”

My Damsel in Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon