CHAPTER 24
CHARLIE
Muling sinipat ni Charlie ang sarili sa salamin. She was wearing the dress Joax insisted to buy for her. Ngayon na suot na niya ito ay mas nadagdagan ang agam-agam niya. Black tie kasi ang event at hindi siya pwedeng mag-pantalon - Or hindi siya pinayagan ni Joax na magsuot ng pantalon lang. The gown alone cost a fortune at ingat na ingat siya rito.
She never wears these kinds of clothes and she wasn't sure how it would look on her. To add to it all, she had to wear ridiculously high heels. Napabuntong-hininga na lamang siya sa repleksiyon. Time to get this show on the road.
Sinigurado niyang dala niya ang lahat ng kailangan bago binuksan ang pinto ng kwarto niya. Nakasandal sa hamba ng pintuan si Joax at agad na napalingon.
"Akala ko hindi ka na lalabas-" simula nito ngunit natigilan nang nakita siya. Pinagsadhan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. She felt her insides turn into mush. Ito na nga ba ang sinasabi niya.
"O, b-bakit?" singhal niya rito.
"Huh. You clean up real nice. I never knew," nakangiting tugon naman nito.
Hindi niya alam kung bakit na-disappoint siya sa sinabi nito. What was she expecting him to say? Na maganda siya sa suot niya? Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi siya si Cinderella, at wala siyang karapatang umasang may prince charming na magsasayaw sa kanya mamaya.
She struggled to keep her face blank. "Shut up. Hindi mo ako binigyan ng choice."
"Well, I'm glad I didn't. Ngayon, wala akong pinagsisisihan. It's worth every penny."
She just rolled her eyes at him. "Umalis na nga tayo."
Sinubukan niyang hilahin ito pero hindi pa rin ito natitinag sa kinatatayuan. Nakamasid pa rin ito sa kanya at parang may hinahanap.
"Joax, ano na? Tara na!"
"Teka lang. May itatanong muna ako sa'yo," pigil nito.
"Ano na naman?"
"May dala ka bang... Alam mo na... Yung ano..." nag-aalangang sabi naman nito. Pinorma nitong parang baril ang isang kamay.
Hindi napigilan ni Charlie ang matawa. Minsan talaga ay hindi niya malaman kung isang ruthless businessman ba o bata ang kausap niya.
"Oo naman. Hindi na ako umaalis ng bahay na hindi ko dala 'yun," sagot ng dalaga.
"But where are you hiding it?" muling tanong nito habang nakatuon ang pansin sa clutch bag na bitbit niya. "Kasya ba dyan?"
Napangiti siya ng pilya. She thought about where she hid the gun.
"That's for me to know and for you to find out. Let's just hope na walang mangyari ngayong gabi so that it stays hidden," sagot niya at nagpatiuna nang maglakad. "Joax, let's go!"
Dinig niya agad ang pagsipol nina Nick at Felix nang papalapit na sila sa kotse. She heard Joax chuckle behind her. Ngiting-aso ang mga ito nang pasakay na siya.
"Not a word from you two kung ayaw niyong mabugbog," banta niya sa mga ito sabay ng isang matalim na tingin. Tumango naman ang mga ito pero nagpipigil pa rin ng tawa.
She sighed again. Hindi naging maganda ang simula ng gabi niya. Not to mention her feet were already killing her. Ipinalangin niya na lang na sana ay walang gulo ngayong gabi dahil mahihirapan siya kung sakaling may mangyaring habulan.
'Damn these shoes! Eto na ang huling beses na magsusuot ako ng ganito,' she promised herself.
"O, nakasimangot ka na naman," puna ni Joax na tumabi sa kanya. "Wag mo nang pansinin sila Felix. Binibiro ka lang ng mga yun."
BINABASA MO ANG
My Damsel in Shining Armor
FanficGaling sa angkan ng mga sundalo at pulis si Charlie. Mula pagkabata ay iisa lamang ang gusto niya - ang mapatunayan ang kanyang sarili. Dumating ang pagkakataong iyon sa katauhan ni Joax, ang negosyanteng naatasan niyang protektahan. Sa unang pagkik...