"Matalino ka, matalino rin siya. May gusto siya sa'yo, pero kakompetinsya mo siya. Anu ba ang tanga mo, mahal ka nang tao oh pwede wag nalang kayong magtalo?" saway nang kaibigan ni Neneng sa kanya habang nasa bench sila naka-upo. Dinilatan niya ito nang mata. Ayaw niyang pag-usapan ang pagkokompetinsyahan nila ni Tof sa academics. Napilitan siyang makipag-kaibigan dito para tantanan na siya nito, pero iyon ang naging daan para lalong sinusunod siya ni Tof.
Mula nang malaman ni Tof na may boyfriend na pala si Neneng, nasaktan siya dito kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang saktan pabalik si Neneng sa paraang alam niya. Iyon ay ang talunin siya sa academics.
After nang graduation day nila ay iyon na ang huling pagkikita nila na walang imikan pa rin. Alam niyang umiiyak si Neneng noon pero nagpakatigas siya dito. Nang mag-college na sila ay nagkita sila ulit pero ibang Neneng na ang kaharap niya. Ang Neneng noon na sobrang tahimik, mailap sa pakikipag-kaibigan, laging nagatataray sa kanya at umiiwas sa kanya sa tuwing nakikita siya na parang may virus siyang dala na nakakahawa.
"Ang O.A ko pala nun noh pasensya ka na ha. High school pa lang kasi ako nun eh at tsaka mga bata tayo. Halos puro nalang kasi mga notes ang kaharap ko, wala kasi akong time noon sa mga kaibigan at pakikipag-bonding sa kanila. Sorry pala, babawi nalang ako sa'yo ngayon. Tara libre kita nang kwek-kwek2x." Ito na ang bagong Neneng na kaharap niya ngayon, laging ngumingiti at sobrang mapagbiro na. Hindi alam ni Tof ang mararamdaman niya pero tumindi na yata ang nararamdaman niya ngayon para dito.
By: jhang2x_Lincs
Meet Nhizee ak.a. Neneng, isang uri nang taong seryoso sa pag-aaral. Matalino, palaging pag-aaral ang inaatupag. Walang time makipag-bonding sa mga kaibigan at puro notes ang laging kaharap. Gusto niya maging proud na proud ang tatay niya sa kanya. Ayaw niyang may kokompetinsya ang mga grades niya lalo nang nasanay siya at ang tatay niya na mula elementarya hanggang mag-high school ay palagi siya ang top one nang klase.
Christof a.k.a Tof, isang lalaking seryoso rin sa pag-aaral. Anak nang 2nd year teacher na si Mr. Ochua sa paaralang pinag-aaralan ni Neneng. Sya ang magiging kakompetinsya ni Neneng sa academics. Palakaibigang uri nang tao na may gusto kay Neneng.
Stephen, isang cool guy na chiksboy pero takot kay Nhizee, magaling magtugtog nang gitara at maraming nasa lower level ang nagka-crush sa kanya.
Mike, isa sa kaibigan ni Tof na may lihim na gusto sa kaibigan ni Neneng na si Ella.
Ella at Kris, mga naging tanging kaibigan lang ni Neneng.
BINABASA MO ANG
The Competition *****Under Editing and Revision*****
Fiksi RemajaMatalino ka, matalino rin siya. May gusto siya sa'yo, pero kakompetinsya mo siya. Anu ba ang tanga mo, mahal ka nang tao oh pwede wag nalang kayong magtalo? Dalawang studyanteng nagkompetinsyahan at nagkagalitan pero hanggang iyon ang naging daan...