HER POV
Palagi nalang bang ganito? Palagi nalang bang ako ang sinisisi? Ang hirap na ayaw ko na. Parang--- gustong gusto ko na talagang maglayas sa bahay namin.
At kalimutan na wala akong pamilya. Dahil sa aming tahanan hindi nila ako itinuturing bilang isang anak. Pati mga kapatid ko. Ang gulo gulo ng buhay ko. Tatay ko lasinggero, ang nanay ko naman sugarela at ang nakababatang kapatid ko naman imbis na tulungan ako at ang pamilya namin para umangat naman sa kahirapan eh sumasama pa sa barkada. Kaya ayon nahawa siya sa barkada niya. Natuto siyang manigarilyo at uminom ng alak. Hindi siya nag aaral ng mabuti palagi daw siyang pinapagalitan ng guro niya.
Kaya wala akong kaibigan eh. Wala akong barkada. Sa hindi ko alam na kadahilanan. Siguro nga sanay na akong mapag isa. Hindi ko na kailangan ng mga kaibigan. Kaya ko ang sarili ko. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.
Hindi ko mapigilang mapahagolgol dahil nahihirapan na talaga ako sa sitwasyon kong ito. Minsan nga hiniling ko na sana hindi nalang ako nabuhay sa mundong ito kung palagi lang naman pala akong nasasaktan at nahihirapan.
Halos araw araw na lang meron ang problema. At halos araw araw palagi akong umiiyak. Hindi ko na malaman kung ano ba talaga ang aking nararamdaman. Galit at sakit.
Minsan nga nagtangka pa akong tapusin na ang buhay ko. Total hindi naman ako importante sa buhay nila. Baka nga kahit wala na ako hindi nila ako maaalala dahil hindi ako mahalaga sa kanila.
Basang basa na ang panyo ko dahil sa mga luha kong patuloy sa pag agos. Napatawa ako, dahil ni minsan hindi ko naranasan na maging importante sa isang tao. Hindi ako nakakaramdam ng pagmamahal sa pamilya ko.
Patuloy lang ang pag agos ang mga luha na para bang wala na itong katapusan. Sana naman tumigil na ang mga luha ko dahil pagod na ako. Buti pa tong mga luha ko, hindi ata napapagod sa pagtulo dahil tuloy tuloy ito sa pag agos. Siguro nga dahil sa kakaiyak kong ito nakapuno na ako ng isang balde na punong puno ng mga luha ko.
"Miss oh." Sabi ng lalake habang nakalahad ang kamay niyang may hawak na panyo. Kinuha ko ito ng hindi siya tinitignan. Mas lalo akong napaiyak. Hindi na nga ako nakapagpasalamat dahil busy ako sa pagpunas ng mga luha ko gamit ang panyo niya. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga.
Hindi ko na talaga kaya, yinakap ko siya at doon ko ibinuhos lahat ng mga hinanakit ko. Yinakap din niya ako at
"Bakit ganon? Kahit hindi ko kasalanan ako ang sinisisi? Porket ako yung panganay? Palagi nalang bang ako? Nahihirapan na ako! Hindi ako robot! Tao ako, napapagod din!" Singhal ko.
Sana pagkatapos ng araw na to at sana sa pagmulat ko ng aking mga mata mawala ang mga sakit at galit na nararamdaman ko.
At sa sandaling ito na kasama ko ang istranghero na lalakeng kasama ko ay parang gusto ko pa siyang kasama ng mas matagal pa na sana hindi niya ako iwan. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sakanya. Dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam.
![](https://img.wattpad.com/cover/157147063-288-k827721.jpg)