CHAPTER THREE

31 10 0
                                    

HIS POV

Ako ay nasa kwarto ko ngayon. Iniisip ang babae kanina na umiiyak sa library. Hindi ko alam kung bakit siya ang iniisip ko.

Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Nagrereview ako dahil baka magpasurprise quiz ang isa sa mga guro namin eh ganon ang ugali nila. Pero imbis na ang mga nakasulat sa notebook ko ang review-hin ko mukha niya ang naaalala ko at mukang mukha niya pa ang kinakabisado ko imbis na ang mga nakasulat sa kwaderno ko.

Kanina nga parang ayaw ko na siyang iwan doon kanina. Parang gusto ko siyang samahan hanggang sa hindi siya titigil sa kanyang pag iyak. Parang gusto ko siyang samahan pa at alagaan ng mas matagal.

Ang weird ng nararamdaman ko. Dahil ngayon ko lang naramdaman ito. Sa sandaling nakasama ko siya, parang ayaw ko ng mapahiwalay sakanya. Gusto ko siyang damayan at tulungan siyang makawala sa kanyang naramramdaman at dinadalang problema.

Sana okay na siya. Ano na kayang ginagawa niya? Umiiyak pa kaya siya?

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil may naisip akong ikinakatakot ko. Hindi, hindi ko dapat ito iniisip. Sana makita ko siyang muli. Sana makita ko siya ulit bukas.

Inlove na ba ako? Possible kayang nainlove ako sa isang stanger? Pero hindi ko alam at hindi din ako sigirado sa nararamdaman kong ito. Concern lang ako sakanya. Ambilis naman kasi kung nainlove agad ako sa kanyang sa ganong kabilis na panahon at oras. Sa sandaling nakasama ko siya.

Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan niya. Bukas na bukas tatanungin ko ang pangalan niya yun ang una kong gagawin. Wala akong masyadong alam sakanya at dahil doon parang gusto ko siyang makilala.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag ko at inayos ito. Humiga ako sa kama ko at ipinikit ko ang aking mga mata. At sa pag pikit ko ng aking mga mata, muli kong naalala ang kanyang magandang mukha.

WHEN SHE CRIESWhere stories live. Discover now