HIS POV
Bigla kong nayakap si Shintaine dahil sa narinig kong pagputok ng baril. Nang umupo siya ay napaupo din ako. Tinakpan niya ang tenga niya gamit ang kanyang dalawang kamay at nakayuko siya. Habang ako naman ay nakayakap lang sa kanya.
Natatakot ako baka may mangyaring masama sakanya.
Nagkakaguluhan ang mga tao sa paligid. Maya't maya pa ay naging tahimik ang paligid.
Kumawala si Shintaine sa pagkakayakap ko sa kanya at agad na tumakbo hindi ko siya agad napigilan dahil biglaan ang nangyari.
Sinundan ko nalang siya. Nang makita ko siyang nakarating sa bahay nila ay tumakbo ako para lumapit sa kanya.
Hindi siya gumagalaw. Na tila ba hindi makapaniwala sa nangyari. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay nalaman ko kung bakit ganon na lamang ang reaksiyon niya.
Nakahandusay ang duguan na kanilang katawan ng kaniyang ina katabi ng kanyang kapatid. Na tadtad sa bala ng baril.
Agad na napatakbo si Shintaine sa gawi ng kanyang kapatid at ina at agad silang niyakap. Niyayakap nito ang katawan ng ina at kapatid niyang wala ng buhay.
Lumapit ako sa kanya. At yinakap siya. Hinagod ko ang likod niya. At hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapaiyak din.
Everytime na nakikita ko si Shintaine na umiiyak naiiyak din ako.
"Hindi, hindi pa sila patay. Steven bilis tumawag ka ng ambulansya itakbo natin sina ina sa ospital." Pagmamakaawa niya.
Nanginginig ang kamay ko habang kinakuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko.
Habang hinihintay ko naman ang pagsagot ng telepono ng ambulansya ay may narinig na naman kaming pagputok ng baril.
Nagkatinginan kami ni Shintaine nang may marinig kaming pagkatok sa pinto ng bahay nila. Na para ba itong galit na galit at parang masisira na ang pinto dahil sa lakas ng pagkatok nito.