HER POV
"Ano nga pala yung sasabihin mo kanina?" Tanong niya.
"Nakalimutan ko na hehe." Pagpapalusot ko at kinamot ko ang ulo ko para mas mapaniwala siya sa akting ko. Pero wala akong kuto ah. Ang totoo kasi niyan hindi ko naman kasi talaga nakalimutan yung tatanongin ko dapat sa kanya eh.
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad pauwi. Nahihiya nga ako sa kanya eh. Dahil nakatira lang kami sa maliit na bahay. Naglalakad kami ngayon sa maingay at masikip na eskenita patungong bahay namin.
"Shintaine, may sasabihin ako sayo." Sabi ni Steven. Kaya naman napatingin ako sakanya.
"Ano yun Steven?" Tanong na sagot ko sakanya. Tumigil siya sa paglalakad kaya naman napatigil din ako.
"Magkita tayo sa library ng school sa Lunes. May importante akong sasabihin sayo." Saad niya.
"Hindi ba pwedeng ngayon nalang?" Tanong ko. "Ok sige. Sa Lunes nalang." Sabi ko.
Agad akong napaupo't napayuko dahil may narinig akong pagputok ng baril. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nagkakaguluhan ang mga tao sa paligid nagtatakbuhan at nagtataguan. Narinig ko na namang pumutok ang isang baril na umalingaw ngaw sa buong paligid ang tunog nito. Naging tahimik ang paligid at walang gustong gumawa ng ingay. Dulot sa kanilang katakutan baka sila'y mapatay.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid. Naguguluhan ako. Madaming katanungan ang bumabalot sa aking isipan.
Bigla kong naisip sina nanay at tatay. Kaya naman napatakbo ako papunta sa bahay namin. Agad kong binuksan ang pinto ng bahay namin.