CHAPTER FOUR

37 10 0
                                    

HIS POV

Sa pagmulat ko ng aking mga mata, siya ang unang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit. Napansin ko nalang na nakangiti akong mag isa.


Bumangon na ako at naghanda para sa pagpasok sa eskuwela. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay naabutan ko ang aking ina at mga kapatid sa hapag kainan at kumakain ng almusal.


Binati ko sila at sinaluhan. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang aming pinagkainan at inilagay uto sa lababo. Nagpaalam ako sa aking ina at magkasabay kami ng kapatid ko para pumasok na. Hinalikan ko sila isa isa sa kanilang pisngi. Nagmano ako sa nanay ko. Lumabas na kami ng kapatid ko sa bahay namin at nagsimula ng maglakad patungo sa aming paaralan.

Pagkapasok ko gate ng aming paaralan ay agad ko siyang hinanap kung saan ko siya nakita kahapon. Pero ako'y nabigo dahil wala siya doon.

Ang aga pa kasi halos mga sampung estudyante palang ata ang nandito. Dumadami na rin ang mga kapwa ko estudyanteng nagsisidatingan.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagrereview ng mga lecture ko. At buti nalang ay nakapagreview din ako kahit hindi ako masyadong makapag concentrate. Dumating na ang aming guro para sa una naming klase kaya naman napaayos ako ng upo at iniligpit ang notebook ko sa ilalim ng mesa ko.

Sabi ng guro namin na hindi raw siya magdidiscuss ngayon kaya pinaglecture niya nalang kami. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng call of nature kaya nagpaalam muna ako sa aking guro.

Pagkalabas ko sa aming silid ay may nakasabay akong babae na may dalang madaming mga papeles.

"Miss tulungan na kita." Pagvovolunteer ko.

Tumango nalang siya at hindi man lang nagsalita. Kumuha ako ng mas madaming papeles na bitbit niya kesa sakanya. Para hindi siya mahirapan sa pagbitbit at para hindi siya mabigatan.

Habang naglalakad kaming dalawa ay napapatingin ako sakanya dahil nakatungo lang siya pero nakikita naman niya ang nilalakaran niya. Naalala ko tuloy yung babae sa library. Haist, asan na kaya siya? Sana makita ko ulit siya.

May nakasalubong kaming guro, napatawa ako ng mahina dahil sabay pa namin siyang binati.

"Ba't hindi mo kaya itali yang buhok mo para hindi matakpan yang mukha mo. Tsaka hindi ka ba naiinitan? Ang init init na nga eh tsaka ang haba pa ng buhok mo." Suggestion ng guro.

Tumango nalang ito at sa tingin ko nginitian niya ang guro dahil nginitian siya nito pero hindi ko nakita ang pagngiti niya at lalong lalo na ang mukha niya. Natatakpan kasi ang mukha niya dahil sa buhok niya eh.

Hindi ko inaasahan na ginawa ko iyon at nagulat ako dahil hindi ko alam kong ba't ko yun ginawa. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya at iniipit ito sa likod ng kanyang tenga.

Hindi niya ako pinagalitan man lang at hinayaan lang niya akong gawin yun. At muli, nakita ko na naman ang mukha niya.

WHEN SHE CRIESWhere stories live. Discover now