HIS POV
Papunta ako ngayon sa library dahil gusto kong mapagisa at gusto ko ng tahimik na lugar. Kaya heto ako ngayon patungo sa library.
Nang makarating ako ay agad akong pumasok at pumunta sa pinakadulo ng bookshelf para mapag isa. Kahit hindi na ako umupo sa upuan. Kumuha ako ng mga libro, bale tatlo. Nag squat nalang ako at binasa ang librong kinuha ko.
Habang nagbabasa ako ay may narinig akong mga mumunting hikbi. Gusto ko sanang ipagpatuloy ang pagbabasa ngunit na-di-distract ako sa naririnig ko.
Hinanap ko kung saan ito nanggagaling. Malapit lang pala sa pwesto ko. Nang makalapit ako sakanya ay nagkunwari akong naghahanap ng libro.
Hindi man lang siya nag angat ng tingin. Haist, sabagay pake niya ba kasi kung may tao? Tsk.
Umupo ako sa tabi niya at tinignan siya. Basang basa na ang panyo niya. Kaya kahit pinupunasan niya ito ay nababasa parin ang mukha niya dahil sa mga luha niya. Kinuha ko ang panyo ko mula sa aking bulsa at inilahad sakanya.
"Miss oh." Pag ooffer ko.
Kinuha niya ito nang hindi man lang ako tignan. Napabuntong hininga ako at magsasalita sana kaso naunahan niya ako.
"Bakit ganon? Kahit hindi ko kasalanan ako ang sinisisi? Porket ako yung panganay? Palagi nalang ba ako? Nahihirapan din ako! Hindi ako robot! Tao ako, napapagod din!" Sigaw niya ng may hinanakit pero saktong sigaw lang yung kami lang yung nakakarinig.
So it's a family problem. Same kami ako din ang panganay. Ulila na kaming tatlo ng mga kapatid ko sa aming ama. May kapatid akong babae at yung bunso naming lalake.
Nagdadalawang isip ako kung hihimasin ang likod niya o yayakapin . Baka kasi sabihin niyang manyak ako o bastos.
Gusto ko siyang icomfort pero hindi ko alam kung paano. Baka kasi pagalitan niya lang ako. Pagsigawan at ipagtabuyan.
Patuloy lang siya sa paghikbi at nagulat ako nang bigla nalang niya akong yakapin. At umiyak ng umiyak sa dibdib ko. Nararamdaman ko ang bawat pagtulo ng iyak niya. Nababasa na rin ang damit ko dahil sakanya. Pero ok lang. I hugged her back at hinaplos ang buhok niya.
Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong sabihin para patahanin siya. Basta ang ginawa ko lang ay yinakap siya at pinaramdam na hindi niya yun kasalanan. At sa mga sandaling 'yon ay parang gusto ko siyang alagaan.
