HER POV
Nang makaupo ako sa upuan ko ay hindi mawala wala ang ngiti na nakaguhit sa aking labi.
Samantalang ang mga kaklase kong mga babae ay parang nangangain na dahil sa pagtingin nila sa akin.
Kahit ilang saglit palang nakasama ko siya ay nakaramdamam ako ng saya. Sa tabi niya ako'y naging masaya at komportable.
Aaminin ko, gwapo siya. At isa siya sa mga heartthrob sa eskuwelahang ito. Siguro isa na rin yun sa mga dahilan kung bakit ganyan ang mga tingin sa akin ng mga kaklase kong babae. Naiingit sila siguro dahil nakasama ko si Steven.
Walang namamagitan saming dalawa ni Steven. Tanging magkaibigan lang.
Sa pagkukwentuhan naming dalawa kanina, marami akong nalaman tungkol sa kanya.
At sa mga panahong kasama ko siya, nawala sa aking isipan ang aking mga problema at aking mga dinadamdam.
----
Isang buwan at dalawang linggo na ang nakalipas nang maging kaibigan ko siya.
Dinadamayan niya ako sa aking mga problema. Palagi siyang nandiyan sa tabi ko. Ni minsan hindi niya ako iniwan.
Mamaya susunduin daw niya ako. Magdedate daw kami. It's a friendly date. At alam kong kaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa.
Sa mga sweet gestures na ginagawa niya sa akin katulad ng pagyakap sakin at paghalik sa aking noo. Pati mga matatamis na salitang binibitawan niya katulad ng "I love you" pero para sa akin walang ibang ibig sabihin niya'n sa akin kundi bilang kaibigan lang talaga.
Lumabas ako sa kwarto ko. Nakasuot lang ako ng simpleng damit. Naka-blue na t-shirt ako at maong na pantalon tsaka puting sapatos.
As usual wala ang pamil---sila dahil busy sila sa mga bisyo nila. Hindi ko sila maituring na pamilya dahil hindi rin naman nila ako maituring bilang anak at kapatid.
Nararamdaman ko na naman na nanggigilid ang aking mga luha. Hindi ko ito hinayaang pumatak kaya pinunasan ko ito gamit ang panyo ko.
Pagkabukas ng pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Steven na nakaupo sa monoblock na upuan sa harap ng bahay namin.
Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at ako'y kanyang nginitian. Nginitian ko rin siya at isinira ko ang pinto ng bahay namin.
Hindi ito ang pinakaunang pagpunta ni Steven sa bahay namin. Dahil paminsan minsan ay hinahatid at sinusundo niya ako.
"At saan ka naman pupunta ikaw na babae ka ha?!" Sabi ng "nanay" ko at may hawak pang mga baraha.
Imbis na ako ang sumagot eh si Steven.
"Ah, ip-p-pagpapaalam ko lang po sana s-si Shintaine. Pupunta lang po kami s-sa p-plaza. Y-yayain ko lang po s-siyang kumain sa l-labas. K-kung mararapatin m-mo po s-sana." Saad naman niya. Ngayon lang kasi siya nakita ni nanay kaya siguro nauutal siya. Baka siguro na hihiya. Pero sa sitwasyon naming ito, ako ang nahihiya.
"Date ba kamo?" Ngising sabi naman ni nanay.
"Hindi po nay, kakain lang po kami. Uuwi din naman po ako agad." Pagsisingit ko.
"Dineny pa." Rinig kong bulong ni nanay.
"Oh siya sige basta siguraduhin mong uuwi ka bago magdilim kung hindi makakatikim ka sakin. Pasalamat ka pinayagan kitang sumama sa boyfriend mong gwapo." Ani ni nanay.