CHAPTER SIX

28 9 0
                                    

HIS POV

Pagkatapos kong i braid ang buhok niya ay ibinalik ko sakanya yung suklay niya. Bumalik ako sa pwesto ko which is sa harap niya at nag squat.

Napatitig ako sa mukha niya at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Parang ayaw ko na ngang kumurap eh.

I found my self smilling staring at her face. Ang angelic ng mukha niya. Ang mga babae kasi dapat hindi pinapaiyak at hindi rin dapat sinasaktan. Sa panahon ngayon kakaunti nalang mga lalakeng may mabuting kalooban na gentleman.

Habang nagtititigan kaming dalawa ay biglang may pumatak na luha sa kanyang mga mata.

Hala, baka masyado kong napahigpit ang pagbraid sa buhok niya kaya siya umiiyak dahil siguro doon.

Lumapit ako sakanya at nag sorry.

"Hala, sorry. Sorry, akala ko ok lang sayo na i braid ko ang buhok mo. Sorry talaga so---" Napatigil ako dahil hinalikan niya ako sa pisngi.

Ok so uhmm w-what j-ust h-ha-ppened? I gulp. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napayuko nalang ako.

Maya maya pa ay narinig ko siyang tumatawa. Kaya napaangat ako ng tingin sakanya.

Ngayon ko lang siyang narinig na tumawa. 

Pero naguguluhan ako ba't siya tumatawa. Pinagtatawanan ba niya ako? Tumitingin tingin ako sa paligid para hanapin kung ano ang pinagtatawanan niyang eksena. Pero wala naman kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.

Nang makarecover siya sa pagtawa niya ng wala akong alam kung ano ang dahilan ay napaayos siya ng upo at tumingin sa akin.

"Sorry." Paguumanhin niya. Bingyan ko siya ng matipid na ngiti. Nginitian niya lang din ako. Akward.

Gusto ko siyang tanongin kung ba't niya ako hinalikan. Kaso naisipan kong wag nalang tanongin sa kanya. Baka mamaya umiyak siyang muli eh.
Kaya tumahimik nalang ako.

Napatingin kami sa isa't isa ng marinig naming nagbell na. Tumayo ako at inalalayan siya sa kanyang pagtayo. Pinagpag ko ang damit ko dahil may mga dumikit na damo.

"Ano nga palang p-pa-pangalan m-mo?" Tanong ko sakanya. Ba't ako na uutal?! Napakamot ako sa batok dahil nahihiya ako.

"Shintaine" sagot niya. Inilahad niya ang kamay niya at nakipag shake hands naman ako sakanya.

"Steven" sabi ko. Nginitian ko siya at nginitian din niya ako. Ang lambot ng kamay niya!

"Hatid na kita sa room niyo?" Ani ko

"Ahh hindi na. Ok lang ako. Kahit ako nalang mag isa." Saad naman niya.

"No I insist, ihahatid kita sa room mo sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ko pa.

"Wag na sabi." Sabi niya

I looked at her with pleading eyes. Sana gumana hehe.

"Haist, sige na nga! Ang kulit mo. Haha." Haha buti nalang napapayag ko siya.

Habang naglalakad kami papunta sa room niya ay nagkukuwentuhan kami. Marami akong nalaman tungkol sa kanya.

Nang makarating na kami sa room niya ay nagpaalam kami sa isa't isa. Hinintay ko munang makaupo siya sa upuan niya bago ako umalis at tumungo sa room ko.

Sana muli pa kitang makasama ng mas matagal pa.

WHEN SHE CRIESWhere stories live. Discover now