Ok lang ako

20 3 0
                                    

Mula sa sandaling makita ka
Simpleng pangangamusta
Dulot ay saya
Ninanais na muli'y makita ka

Mapag-larong tadhana
Maging sa panaginip
Ika'y kasama't nakikita
Ikaw na pinapangarap

Sabihin ko man
O di kaya'y aminin
Ngunit parang wala parin
Pag-ibig na syang alay sayo
Pilit ka paring lumalayo

Malimutan mo man ang lahat
Masasayang panahon na ika'y kasama
Eto parin ako umaasa
Na sana maulit ang lahat

Tanaw ka mula sa malayo
Kasama ang mahal mo
Mga ngiti sa labi mo
Dala'y kasiyahan ko

May mahal ka mang iba
Mamahalin parin kita
Kasama mo man sya
Lubos na rin aking saya

Tanga man ang tawag dito
Ano bang magagawa ko?
Sa puso kong ito
Kusang tumitibok laan para sayo.




infinityRED

Mga Hugot ni ManangWhere stories live. Discover now