GAME TWO

39 0 0
                                    

Pakshet, ano nanaman bang binabalak ng hinayupak na 'yon? At ang kapal ng mukha na magsabing ex ko sya ha.Sinasabi na nga ba at may pagnanasa sakin yung hinayupak na yun eh. Tsaka kahit naman ganito ako, hindi ko binalak na patusin ang mga kaibigan ko. Matino parin naman ako kahit papaano.

"Nag-iintay sya dun sa may gate, Yoona. Sayang naman yung gwapo nya kung paghihintayin mo lang diba?" Pangongonsensya sakin ni Lisha. Kanina nya pa ako kinukulit ng dahil lang jan sa pesteng Luke na yan. Ano bang kailangan nya?

"Ayoko nga, kakulit mo ah," Sagot ko. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon pero hindi nakikinig kay titser. Sinamaan naman ako ni Lisha ng tingin pero tinaasan ko lang sya ng kilay. Bahala sya jan.

"Ayaw mo talaga?" Ngumiti sya saakin ng nakakaloko at kumunot naman ang noo ko. "Oo, ayaw ko." Pagkumpirma ko sa tanong nya. Mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi at kumindat sakin.

Hindi nya man sabihin pero alam kong may kahulugan yung mga ngiti na yun.

Tumayo sya na tila lalabas na pero muli akong nagsalita, "I'm warning you. Don't you dare, Roxas." Pagbabanta ko. Sinasabi na nga ba at may binabalak itong babaeng ito eh. Bumalik sya sa pagkakaupo at muling humarap saakin.

" Then go there, Mendez."  Bullshit. Bakit ba gusto nya laging makipagsabayan? Minsan talaga gusto ko nang sabunutan sa pilikmata 'tong babaeng ito eh. Wala na akong choice kung hindi ang lumabas.

Kilala ko si Lisha. Alam kong kaya nyang gawin basta't gusto nya. At pag hindi ako lumabas, isasama nya si Luke sa mga laruan nya. Na hindi ko naman mapapayagan na mangyari.

"Wag ka muna magdiwang. Hindi pa tayo tapos, Roxas." Muling salita ko sakanya. Hindi ko alam pero naiinis ako na natutuwa. Shit feelings, ayoko sa lahat yung ganito eh. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng klasrum.

"Daming alam. Just get lost." Oo, masakit man pakinggan pero tinataboy na nya ako. Hindi ko man nakikita pero alam kong nagpipigil na yan ng tawa. Hindi ko nalamang sya pinansin at lumapit na lamang ako kay titser na ngayon ay nagsusulat sa pisara.

"Mam, May i go out?" Paalam ko kay titser. Hindi pa sya sumasagot pero lumabas na ako agad ng klasrum. Okay na yun basta nagpaalam ako diba? Kesa naman sa mag deretso na ako agad na lumabas. Ayos na yun.

Naglalakad ako papuntang gate ng school. Napaisip ako, isang taon nalang pala at magtatapos na ako ng high school. Tunay nga naman talaga na napaka-bilis ng panahon. Nilabas ko ang bubble gum sa aking bulsa, binalatan ko ito at nginuya. Aaminin ko na, naiintriga talaga ako kung bakit biglang naparito si Luke.

Si Luke Montesilva? Isa rin sa mga tinuturing kong kaibigan. Isang taon mahigit rin siguro ang pagkakaibigan namin. Hindi ko nga alam kung bakit kami nagkasundo dahil wala syang hilig sa mga babae samantalang ako, hindi na mabilang kung sino ang mga naging kasintahan o naging kalaro ko. Gwapo rin naman sya kaso hanggang kaibigan lang talaga.

Dapat kasi kapag kaibigan, kaibigan lang. Nothing more, nothing less.

Hindi ko namalayan na narito na pala ako sa gate. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko pa sya nakikita. Pushet, asan na ba nagsuot yun? Umalis na kaya sya?

MAY THE BEST PLAYER WIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon