Yoona pov.
Aish. Totoo pala talaga yung kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Tangina, bakit ba pumasok sa isip ko na halikan sya? Andaming pwedeng paraan pero bakit yun pa? Feeling ko malapit na ako mabaliw.
Unang araw ko palang pero anlaki na ng gulo na ginawa ko. Panigurado, trending ako dito. Bwisit talaga, gusto ko tuloy mansakal ng tao sa sobrang inis. ugh.
"Before i forgot, there's a new student here so Miss, please come here infront and kindly introduce your self." Sabi ni titser na nakatingin sakin. Napatayo na lang ako at pumunta sa harapan.
Nilibot ko ang paningin ko at binigyan lang naman ako ng masamang tingin ng mga klasmeyt kong babae. Tss, porket mas maganda ako sakanila, ganyan na sila umasta. Mga bitter, pwe.
"Yoona Mendez." Pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko ay lumakad na ako ulit pabalik sa upuan ko. Napatingin ako sa lalaking katabi ko na hinalikan ko at nakita kong nakangiti sya sakin. Oo, hinalikan ko talaga kasi ako yung nauna, tss.
Saka anong problema nito? Bat nakangiti? Porket maputi ang ngipin at hindi bungi, kailangan laging nakangiti? Wow lang ha.
Umiwas na agad ako ng tingin at muling naupo na sa aking upuan...
Nagdiscuss na si titser habang ako naman, walang balak na makinig. Nilabas ko ang cellphone ko at sinaksak dito ang aking headset. Bahala kayo jan, badtrip ako kaya matutulog na lang ako.
-
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko dahil may kumakalabit sakin. Walangya, bakit ba ang hilig ng mga tao dito ang mang istorbo? tss...
"Hey girl.. Its already break na. So you make gising na.." Sambit sakin ng babaeng kumalabit sakin kanina. Napataas naman ang ulo ko at napataas din ng kilay.
"Ano bang problema mo?!" Napasigaw ako sakanya habang sya naman ay nagulat ata.
"Nakatulog you eh... So I decided to make gising you nalang... You're kawawa naman kasi if hindi ka maglalunch." Ang arte, conyo pa. Pero kahit papaano ay mabait naman sya kaya sige na nga..
At leas kahit papaano, magkaron naman ako ng kaibigan. Haist. sana lang talaga makatagal ako sa lenggwahe nitong babaeng ito.
"And then?" I said at pagkatapos ay tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Tinignan nya ako ulet at tinaasan ko sya ulit ng kilay. Bigla naman sya nagpout...
"You know girl, I'm mabait naman eh. Kaya please, don't be mataray to me... I just want you to be my kaibigan lang naman eh." Wika nya. Napababa naman din ang kilay ko.
Mabait nmaan siguro sya kaya why not diba? Ayoko din naman na lonely ako dito sa school..
"Okay, tara na...." Ngumiti ako. Ewan ko ba pero ambilis nyang nakuha yung loob ko kahit may pagka isip-bata pa sya..
BINABASA MO ANG
MAY THE BEST PLAYER WIN.
Teen FictionA story of two professional players who fell inlove with each other.