YOONA POV-
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Bunungad saakin ang mga puting pader. Nasaan ako? Base sa pagkakaalam ko, may bumuhat saakin na lalaki. Pagkatapos nun, wala na. Hindi ko na alam.
Nilibot ko ang paningin ko. Nagulat naman ako dahil nahagip ng dalawang mata ko ang imahe ng isang demonyo. Shit, nasa impyerno na ba ako? Kulay puti na ba ang kulay ng impyerno?
Kinusot kusot ko ang mga mata ko at muling tinignan ang imahe na nakapatong sa lamesa sa gilid ng kama. Napasapok naman ako sa noo ko. Tangina, akala ko demonyo. Picture lang pala ni ... Nicko?!
Agad akong napatayo sa kama na hinihigaan ko. Hindi na rin naman masyado masakit ang ulo ko kaya nakaya ko na bumaba ng hagdan. Ang laki naman ng bahay na ito... Nagtuloy tuloy lang akong naglakad hanggang sa may naamoy akong pagkain. Hinanap ko kung saan nanggagaling yung amoy at dinala naman ako ng mga paa ko sa kusina.
Napaawang ang bibig ko dahil nakikita ko ang isang Nicko Garcia. Naka topless lang sya tapos naka shorts. He's... okay, he's so damn hot! Jusko, nakadagdag pa sa pagka hot nya yung mga pawis nya. Parang nakintab yung katawan nya. Shocks, nakatalikod pa lang yan ha. Pano na kaya pag nakaharap na!
Bakit mo kailangan titigan kung pwede mo naman hawakan?" Sambit nya kaya agad akong napabalik sa huwisyo dahil sa sinabi ng manyakis na ito... Humarap naman sya saakin kaya napataas ako ng kilay.
Ngumisi sya tapos naglakad papalapit saakin. Tumigil sya sa harap ko, dahilan upang mapatingala ako. Psh, bat ba kasi ang tangkad nya? "E kung sipain ko kaya yang pagkalalake mo?" Wika ko..
Nakakainis! Pasalamat sya at nakakapag timpi pa ako at napipigilan ang sarili kong hawakan yung abs nya! Hais, pati tuloy ako nandidiri na sa mga sinasabi ko..
Nagulat naman ako dahil bigla nya akong inakbayan at pagkatapos ay lumakad kami papunta sa lamesa. Bakit kahit pawis, ambango nya parin? Aish. Kaasar talaga!
"Chill.. Wait here, kukunin ko lang yung pagkain." Sabi nya at pagkatapos ay umalis sa harap ko.
Ilang minuto ang nakalipas at nakabalik na sya. Umupo sya sa harap ko sabay ngumiti. Bigla naman kumunot ang noo ko. Fvck that smile... So perfect!
"Tigilan mo nga ako at baka mahampas ko sayo 'tong plato.." Sambit ko ng taas kilay. Napatawa naman sya ng saglit tapos bumalik ulit sa pagkaka ngiti. May pagka abnormal ata 'tong gago na ito... Oo na, aaminin ko na.. Sya'y gwapong abno. Tss.
"Ang cutie mo talaga." Si Nicko. Ganyan ba sya mambola ng mga babae? Well, ang yak pakinggan. Pero tangina, kahit alang kwenta naman yung sinabi nya, napangiti na lang ako bigla..
"Bwiset..." Sambit ko. Kumuha ako ng ketchup sa may platito at pagkatapos ay nilagay ko sa mukha nya. Tumayo naman sya at pagkatapos ay tinignan nya ako sa mata. Hala, Lagot! Galit ata sya...
Napatayo naman din ako dahil dumampot din sya ng ketchup. Nag umpisa na akong tumakbo. Buti na lang at medjo malaki itong bahay kaya nakakatakbo ako ng maayos. Lumingon ako sa likod ko at napahinto. Naghahabol ako ng hininga at napansin kong wala si Nicko. Asan na yun?
Bumalik ako sa kusina at wala sya. Napabuntong hininga ako.. Akala ko pa naman.. Haish, bahala nga sya jan.
"Pst.." May sumitsit. Hala? Ano yun? Naging malikot ang mga mata ko.. Baka kasi yun ay multo. Aba, kahit maganda, natatakot din. Saka naalala ko bigla yung kwento sakin ni Tatay noon na mas madami daw multo yung mga malalaking bahay kasi madalas tahimik. Tapos sakto, anlaki ng bahay na ito...
"H-hoy Garcia! Lumabas ka na!!" Sigaw ko. Hindi, hindi ako natatakot.. Malamig lang talaga dito kaya tumataas ang balahibo ko. Tama! Ganun lang yun.. Wala na talaga! Wala na talagang ibang dahilan! As in wala na talaga!
"Pst,." May sumitsit nanaman. Umikot ako at nakita ko sya. Lumuwag ang paghinga ko. Akala ko talaga ano eh. Pero ano lang pala...
"Tigil ka..." Sambit ko. Naglalakad sya ng unti-unti. Papalapit sya saakin. Shit! Paatras naman ako ng paatras..Napansin kong tumaas ang sulok ng labi nya. Tangina talaga nitong manyak na'to eh.
Napasandal na ako sa pader dahil halata naman na wala na akong maatrasan. Corner na ako? Shit, shit. Nakalapit na sya saakn at ikinulong ako gamit ang mga kamay nya. Yung mga mata nya.. parang ang lungkot. Bakit? Hindi ba dapat masaya sya?
" Yoona, Laro tayo..." Seyoso sya.. Parang naninibago tuloy ako. Kanina ang ganda ng ngiti nya tas ngayon napaka seryoso. Tss, bipolar.
"Taya-tayaan, taguan, o habulan? Anong laro?" Ngumiti ako ng pilit. Damn this guy! Bakit kinakabahan ako? fck, kailangan ko kumalma. Yung matinding pagkalma.. Baka kasi masapak ko pa sya. Psh
Nilalapit nya yung mukha nya saakin. Naramdaman ko ang paghinga nya sa aking pisngi. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko. Shit this..
"Gusto ko yung laro na kung sino ang mainlove talo.." He whispered..
I smirked. He's really a damn fvcking asshole!
-
"Amina nga kasi yang bag ko!" Bulyaw ni Lisha kay Jake. Tss, kanina pa sila nagsisigawan. Para silang nakalunok ng microphone.
Uuwi na kasi kami sa condo. Ayoko mag stay dito sa bahay ni Nicko. Parang kinikilabutan ako. Saka pati baka makita ko yung demonyitang kapatid nya. Baka hindi ako makapagpigil at masampal ko ulit sya..
"Wag ka na makulit, Lisa! Buti nga gentleman pa ako sayo eh!" Balik sigaw ni Jake. Nakatayo silang dalawa sa tapat ng pinto. Ako naman, hinihintay si Garcia kasi nagbibihis pa daw. Kahit kelan talaga feeling espesyal yung kupal na yun eh.
"Aba, bwisit ka! Lisha hindi Lisa! Anong akala mo sakin? Paglumaki, kuto? Ha?!" Bulyaw ulit ni Roxas. Aish, sumasakit ang ulo ko sakanila.. Ang sarap nila pag umpugin para magtigil. Napaka daldal.
"Let's go. I'll take you home.." Sambit ng isang Nicko saakin. Nakangiti sya. Ngumisi naman ako kaya biglang kumunot ang noo nya. Ayaw ko nga. Pasensyahan na lang. Pakipot ako eh.
"Never in your wildest dreams, Garcia." O, diba. Taray ko, nagmana kay Lisha. Ngumisi din sya saakin. Tapos inakbayan ako. Aba, tsansing 'to ah. Porket ehem, girlfriend nya ako, pwede na mag ganyan? Psh.
"Ako ang lalaki kaya ako ang batas." Sambit nya tapos kumindat. Tumaas ang kilay ko. Tinanggal ko din ang pagkaka akbay nya saakin. Baka mamihasa eh, diba?
"Lul, Edi maghanap ka ng syota mo." Wika ko at pagkatapos ay nag umpisa na maglakad. Tss, ano ako under? Yak, iww. Alam nya ba na pag nagso-syota ako, ako lagi ang boss? Ang sarap nya sapakin, sa totoo lang.
Naglakad na ako para lumabas pero.. fvck, binuhat nya ulit ako bridal style. Binuksan naman ni Jake yung pinto. Nagpupumiglas ako pero ayaw nya ako bitawan.. Shit, shit, shit. Naka shorts lang kay ako! Fvck you Garcia! Mamatay ka na sana!
"Wag ka malikot.. Ayokong mahulog ka dahil baka hindi kita masalo..." He said with his serious voice..
Napatigil ako. Tama. Kahit din naman ako, ayokong mahulog ako ng walang may willing sumalo..
BINABASA MO ANG
MAY THE BEST PLAYER WIN.
Teen FictionA story of two professional players who fell inlove with each other.