GAME THREE.

32 0 0
                                    

Walang tigil padin ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Pinunas ko ang panyong binigay sakin ni Luke.

Bumuntong hininga ako. Okay, i'm gonna spill it out.

"L-luke ang sakit! Ang sakit ng katotohanan na iniwan nila ako! Sobrang sakit kasi ang tanga ng nanay ko. Ang tanga ng Nanay ko kasi nagpakamatay sya dahil lang sa gagong Tatay ko! H-hindi manlang nila ako inisip eh!" Tumango naman si Luke. Habang ako naman itong parang batang iyakin.

"Ito naman kasing Tatay ko, nalaman ko nalang na may kabit na pala! Tangina, nakakainis. Nakakainis kasi napakababaw ng dahilan nya. Kesho sawa na daw sya sa kahirapan ng buhay, kesho ayaw nya na daw sa maliit na bahay lang. Edi dapat sinabi nya nalang sakin para tumigil na ako sa pag-aaral, d-diba?! At ito namang Nanay ko, pinairal ang katangahan. Ayun, nagpakamatay kasi hindi nya daw kaya na wala si Tatay!" Bukod sa sakit, pati narin galit ramdam ko na din. Napangisi na lamang ako dahil naaalala ko nanaman.

"B-bakit wala manlang umisip sakin? Bakit hindi manlang nila naisip na may anak pa sila?! Tangina, edi dapat pala hindi nalang nila ako ginawa! Iniwan nila akong mag-isa. Yung tatay ko? Ayun, nagbigay ng abuloy sa Nanay tapos tangina, hindi na nagpakita! Iniwan nila akong lahat, Luke!"  Sambit ko.

Huminto naman ang kotse at kasabay din ang paghinto ng mga luhang umaagos mula sa mga mata ko, nalaman ko na sa condo nya ang punta namin.

"I'm willing to help you if you're willing to help me too, Yoona." Wika ni Luke saakin at sabay na kaming bumaba ng sasakyan.

Anong ibig mong sabihin, Luke Montesilva?

Bumaba kami ng kotse nya at sabay na naglakad papuntang entrance ng condo. Nagulat ako dahil bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya na nagtataka pero ngumiti lamang sya sakin. Sumakay kami sa elevator at ilang segundo lamang ay lumabas kami sa 6th floor.

MAY THE BEST PLAYER WIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon