YOONA POV-
Napatayo ako sa kama at tumingin sa orasan, alas kwatro ng madaling araw palang pala. Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kusina. Hinilamusan ko ang sarili ko at pagkatapos ay binuksan ko ang ref at kumuha ng hotdog para magluto.
Habang nagluluto ako, napahawak ako sa ulo ko.. Damn this head, ang sakit.
Pagkatapos ko magluto, nilagay ko sa lamesa. Makikita rin naman siguro ni Lisha 'to mamaya pag gising nya. Dumeretso na ako sa banyo at ginawa ang routine ko sa araw-araw..
-
Naglalakad na ako papuntang skul. Napatingin ako sa wrist watch ko at 15 minutes bago mag 6 am. Napabuntong hininga na lamang ako. Haist maaga pa pala. Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na ako.. Dumiretso na ako sa klasrum ko at kaunti palang ang mga klasmeyt ko.
Napaupo ako sa upuan ko at may biglang tumabi saakin na babae.. Napatingin naman ako sakanya.
"What?" Sambit ko.. Napangiti naman sya. Ngiting parang may gagawing hindi maganda... Napataas naman ang kilay ko sakanya..
"Be ready, bitch..." Sambit nya saakin. Napangisi na lamang ang ako.. Magbabanta na lang sya, tatanga tanga pa.. Hindi naman katakot-takot. Tsk.
"Don't worry, I'm always ready.." Wika ko at pagkatapos ay umalis na sya sa harapan ko. Napaubob naman ako sa arm chair dahil sa putangina, ang sakit ng ulo ko!
Few minutes lang ang nakalipas at dumating na si titser.. Napatayo naman ang buong klase at nag Good morning. Isang oras mahigit ang nakalipas at inanunsyo na ni titser na tapos na sya magturo. Katulad ng dati, hindi ulit ako nakinig. Hindi din nga pala pumasok si Nicko. Tsk.
isang sbject pa ang nakalipas at break time na. Tumayo narin ako para pumuntang cafeteria. Fvck this damn head! Parang sinuntok ng sampung beses ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. ugh!
"Yoona! You're so mean talaga!" Bungad nya saakn habang hinhingal sya. Ayan nanaman si Conyo-girl. For sure, duduguin na ang ilong ko nito eh. Dadagdag pa ata sa sakit ng ulo ko.
Inirapan ko na lang sya at patuloy na naglakad. Badtrip ako kaya wala ako sa mood magsalita. Sumunod naman sya saakin at sabay kami naglakad. Pagpasok ko ng cafeteria, may isang babaeng lumapit saakin at sinabing may naghahanap daw saakin sa labas kaya lumabas din ako agad. Sinabi ko narin kay Conyo-girl na hintayin nya na lang ako sa cafeteria.
Paglabas ko ay napahinto ako sa paglalakad at hinanap kung sinong naghahanap saakin. Agad naman akong nabigla dahil may bumato ng itlog sa balikat ko. Napatingin ako sa uniporme ko at agad na naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang inis.
Maya-maya lang ay bumato nanaman at sunod-sunod na ito. Maglalakad na sana ako para hanapin kung sino ang bumato pero hindi ko magawa dahil biglang nanginig ang mga tuhod ko at sumakit nanaman ang ulo ko..
Tangina, hindi pwede ito. Lintik lang talaga ang walang ganti...
Pinilit kong lumakad at pagkatapos ay may biglang bumuhos na puting harina sa aking ulo na paniguradong nagmula sa taas. Putcha, bully ba ito? Napahawak nanaman ako sa ulo ko dahil sumasakit nanaman at mas dumodoble pa.
Sobrang lagkit ko na pero binalewala ko na lamang ito at naglakad na ulit at sa di ko inaasahan, nadulas ako dahil sa tanginang balat ng saging na natapakan ko! Hindi pa ba sila tapos?! Asar na asar na ako, sobrang asar na gusto kong manapak ng tao!
Lubus lubusin nyo na 'to dahil panigurado, magsisisi kayo pag ako na ang gumawa ng kalokohan sainyo... Ayoko pa naman sa lahat yung inaabuso ang kabaitan ko..
BINABASA MO ANG
MAY THE BEST PLAYER WIN.
Teen FictionA story of two professional players who fell inlove with each other.