GAME FOUR

26 0 0
                                    

LISHA ROXAS POV~

"Putangina mong kidnapper ka!!! Mamatay ka na sana!!" Binato ko yung unan na yakap ko dahil sa sobrang inis.

Nanunuod ako ng paborito kong teleserye dito sa apartment. Naiinis ako!! Kung kelan magkikita na yung dalawang bida, biglang may kumidnap sa lalake. Bwiset talaga! Peyborit ko pa naman yung loveteam nila.

Pinatay ko na lamang ang t.v. dahil aksaya sa kuryente. Halos wala na nga kaming pambayad tapos mag aaksaya pa ako. Edi namulubi na kami, diba? Mabuti na lang at nagpapadala si Mama dito samin.

Nagpagulong ako sa kama kaya't bumalot ang kumot sa aking katawan. Napatigil ako dahil biglang nag vibrate ang aking kulay pink na cellphone. Nakita ko na si Mark ang nagtext, yung bagong kalandian ko. Kekeke~

"Hi baby!"

Ang kapal talaga ng mukha nito magtext. Nag-away kasi kami kanina. Yung LQ ba yun? Basta ayun na yun.

"Peste ka! Wag mo kong matawag-tawag na baby dahil hindi mo ko anak!!" Send.

Pinress ko ang back at nakita ko ang picture ko na aking wallpaper. Haist, ang ganda ko talagaaaa! ~ Biglang may nag message at nakita ko ang pangalan ni Mark kaya agad ko itong binuksan.

"Sorry na baby. Wag ka na magalit."

Sinusuyo nya ba ako? Tss. Mga lalaki nga naman, marunong lang maglambing pag may kailangan.

"Pagkatapos mo akong hindi loadan, sorry lang? Aba'y tangina mo magbreak na tayo!"

Pagkatapos ay pinindot ko ang send. Magso-syota sya ng maganda tapos wala sang pera? Edi dapat pala ay humanap na lang sya ng pangit at ibigin nya ng tunay.

Nilapag ko ang aking kulay pink na cellphone at nagpakawala ng buntong hininga. Kelan kaya ako makakaramdam ng ginhawa sa buhay? Yung tipong magshoshopping ka na lang kung kelan mo gusto. Yung kakain ka na lang sa gusto mong restau pag umay ka na sa pagkain sa bahay nyo.

In short, kelan kaya ako magkakaron ng buhay mayaman? Hindi naman siguro masama mangarap ,diba?

Napatayo ako sa kama at napatingin sa full length na salamin. Nag ayos ako ng konti para lumabas kasi hindi pa pala ako kumakain. Dinampot ko ang pink ko na cellphone na may Hello Kitty na design at tuluyan ng lumabas ng pinto.

Hindi pa ako nakakalayo ay may sumalubong na saaking nilalang na hindi ko matukoy kung hayop ba o tao. Nakataas ang kilay nya at tumigil sya sa harap ko.

"Ilusyunada." Sambit nito. Pumorma ang ngisi sa aking labi. Paniguradong maganda ang larong ito ah.

"Kawawa ka naman. Pati sarili mo pinaparinggan mo." Ngumiti ako kaya't nakita ko agad ang pagkainis sa kanyang mukha. Gusto nya ng away? Then bring it on.

"Hindi ako baliw para paringgan ang sarili ko. Bat di mo kaya tanungin ang sarili mo?" Napalitan rin ng ngiti ang kanyang mga labi. Impernes, sya'y may ibubuga.

"Hindi ako tanga para kausapin ang sarili ko. Hindi naman kasi ako katulad ng iba jan." Sambit ko na mas diniinan ang word na iba jan. Ayaw mo magpatalo? Edi hindi rin ako magpapatalo.

"Insekyora ka talagang babae ka. Pati boyfriend ko nilalandi mo!" Aba't gusto talaga ng highest level na away nitong hipon na to? Sige, pagbigyan!

"Hoy babaeng mukhang bakla dahil sa kapal ng kolorete sa mukha! Ako? inagaw ang boyfriend mo? Aba! Para sabihin ko sayo, sila ang lumalapit saakin at hindi ako. Kasalanan ko bang ipanganak akong mas angat at mas maganda sayo? Sabunutan ko yang pilikmata mo eh!" Litanya ko.

Buti nalang matalino ako.... sa pambabara at pakikipag-away. Magsasalita pa sana sya pero inunahan ko na.

"Ako insekyora? Wow lang ha! Sabihin mo nga, may dapat bang ika-insecure sa ganyang mukha?" Napangisi na lamang ako sa kanyang itsura. Ang ganda ko naman para ikumpara lang sa kanya.

Grabe na talaga sa panahon ngayon. Kung sino pa yung walang itsura, yun pa yung nagmamaganda. Buti na lang ako, humble lang.

Nakalimutan kong nagugutom pala ako. Kailangan ko na tapusin ito. Naglakad na ulit ako at binangga yung babae. Babae nga ba? Duda ako. Para kasing bakla.

Naisipan ko na bumili sa karindirya at mag take-out nalang dahil bigla kong naalala si Yoona. Baka kasi hindi pa kumakain yun.

Mabilis din akong nakabili kaya't pauwi na rin ako agad. Binuksan ko ang pinto ng apartment at medjo nagulat ako dahil isang Yoona Mendez ang bumulaga saakin.

Tumaas ang kilay nya dahiil nakatitig ako sakanya. "Tinitingin mo?" Bungad nya saakin. Hindi ko na lang iyon pinansin at lumapit ako sa kinatatayuan nya. Hinawakan ko sya sa balikat at niyugyog ito.

"OMG! Yoona, ikaw nga! Bwisit ka akala ko nilamon ka na ng lupa! Akala ko patay ka na pero sayang at buhay ka pa pala! As in Humaygosh, aka--" Napatigil ako dahil bigla syang sumigaw ng..

"TAHIMIK KUNG HINDI PUPUTULIN KO YANG DILA MO!" Ang hard talaga magsalita ng babae na ito.

Napatahimik din naman ako at tinigilan ko na sya. Ayoko maputulan ng dila kasi wala pa akong asawa. Kumuha na ako ng plato para kumain na kami. I'm really hungreeee!

Sumubo na ako ng kanin at syempre ng ulam. Wala na akong pakialam kung lumobo ako dahil para sakin, ang tunay na maganda hindi takot tumaba, bow!

"Pagkatapos kumain, mag-impake ka na." Agad akong kumuha ng tubig dahil muntik na akong mabulunan. Anong sabi nya? What the fvck?

MAY THE BEST PLAYER WIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon