LISHA POV-
Taas noo akong naglalakad papunta sa aking klasrum. Aba, sayang naman ang biyayang ganda na ipinagkaloob saakin ng nakakataas kung hindi ko ipapakita, diba? Saka good mood ako ngayon kahit hindi ako sinabay ni Yoona kanina. Baket? Basta. Bawal maki usisa, bawal din ang chismosa..
"Binigyan kayo ng mata para tignan ang daan. Hindi para tignan ako habang dumadaan.." Sambit ko sa mga echosera de inggitera kong mga school mates. Tss, tignan ba naman daw ako habang naglalakad? that's rude, you know...
Umiwas naman sila ng tingin at pagkatapos ay umalis sa harap ko. Naglakad na rin ako upang pumunta sa mahal kong silid aralan.
"Good morning Mam. Sorry I'm late." Bungad ko kay titser. Napangiti naman sya ng malawak dahil sa inasal ko.. Napangiti din naman ako sakanya.
"Its okay... You may now take your sit, Miss Roxas..." Sambit ni titser. Muli, taas noo akong naglakad papunta sa aking upuan..
Umupo ako ng maayos at kinuha ang aking notebook para magsulat. Wag na kayong magtaka. Pinangako ko lang kasi sa sarili ko na mag aaral na ako ng mabuti ngayon. Oo, ngayon lang kasi bukas hindi na..
" Uy, Lisha. Wala na ba talaga si Yoona?" Sambit ng katabi kong baklang chismosa tapos kinalabit pa ako. Hinarap ko sya ng taas kilay. Nakita ko naman napalunok sya.
"E, kung patayin kaya kita para mawala ka na? Ano sa tingin mo?" Wika ko. Aba, echoserang palakang bakla na 'to. Ang kapal ng mukha kausapin ako porket wala si Yoona.
Tss. Kunwari malungkot sila na wala si Yoona pero ang totoo, nagdidiwang na mga lamang loob nila sa sobrang saya... Tsk talaga. Ako na lang tuloy yung maganda dito...
"Ah, he-he. Sabi ko nga tikom na 'ko eh..." Sabi nya saakin sabay nag peace-sign sya.
"Wala ka na ngang ganda, chismosa ka pa.. Ayusin mo buhay mong bakla ka." Sambit ko. Napataas naman ang gilid ng labi ko. Taray ko mangaral e, nuh? Well, maganda kasi ako.
Saka, dapat nga hindi ako papasok ngayon eh. Kaso lang naawa ako sa mga kaklase kong pumapasok lang para makita ako. Pati na rin yung mga titser kong idol ako.. Isama na rin natin yung mga janitor dito na may crush sakin...
Tsk. Ang hirap talaga pag maganda. Kaya yung mga klasmeyts ko, wala silang kahirap-hirap eh..
"Morning Ma'am.." Agad naman akong napatingin sa lalaking nagsalita sa pinto. Shit,shit,shit! Olala, sobrang gwapo nya... Muntik na malaglag ang aking panga...
"Yes, Mister?" Landi ni titser eh. Sarap ihampas yung mukha sa pisara. Tsk, May asawa't anak na, hindi na nga virgin, ang arte pa ng salita. Walangya, ibato ko sakanya 'tong upuan eh...
BINABASA MO ANG
MAY THE BEST PLAYER WIN.
Teen FictionA story of two professional players who fell inlove with each other.