"A tongue is like a sharp knife. It can kill without drawing blood."
---
Yoona Mendez pov~
"Magandang umaga, Mendez!" Bati sakin ni Lisha. Inirapan ko na lang sya at umupo na para kumain. Ayoko na sumagot kasi for sure, sasabihin nya nanaman na sya ang nagpapaganda sa umaga. Tsk.
May pancake at gatas na nakahain sa lamesa. Napakunot naman ang noo ko habang tinitignan ang mga ito.
"Ano to?" Tanong ko kay Lisha na nakaupo sa tabi ko. Ngumiti naman sya saakin. "Pagkain, malamang."
Ay, tanga. -_- Alam ko naman na pagkain yun pero parang hindi naman kasi halata. Yung pancake, halos kulay itim na kasi nasunog. Haiz, trying hard kasi magluto eh.
Kumuha ako ng tinidor para tikman yung pancake. Tapos tangina, shocks! Parang gusto ko na iluwa.
"OMG! SA SOBRANG SARAP NAISPEECHLESS KA! LUTO KO YAN, YOONAAAA~" Ganadong wika nya tapos biglang tumili. Pinilit kong lunukin yung pancake hanggang sa makakaya ko kaso hindi ko talaga kaya.
Tumayo ako at pumunta sa kusina para iluwa. Tumingin ako sa relo ko at may 20 minutes pa ako. Hindi ko namalayan ang pagporma na ngiti sa aking mga labi. Sana napasaya ko si lisha kahit sa simpleng paraan lang.
Kagabi kasi ay lumipat na kami agad dito sa condo pagkatapos namin mag-usap. Nakita ko sa mga mata nya kung gaano sya kasaya. Atleast, kahit papaano nagkaron naman ako ng kwenta sakanya. Bumalik na ako sa dining area at doon ay naabutan ko sya na malawak parin ang ngiti.
"Tss, nakakasuka. Walang lasa, Roxas." Wika ko at naglakad na palabas. Sa totoo lang, naiilang ako sa uniporme kong suot. Above the knee tapos long sleev na pantaas.
Sana naman sa paglipat ko ng eskwelahan, may magbago naman. Si Luke ang nag asikaso ng papers ko kaya agad akong nalipat agad. Mas makakalapit daw kasi ako sa Nicko nayun kung sa iisang school kami mag-aaral. Habang ako naman, sige lang ng sige.
Tinanggap ko 'to kaya dapat lang ay panindigan ko.
Maglalakad na lang ako since malapit lang naman. 10 minutes lang siguro ang oras kapag nilakad. Maya-maya lang ay may natanaw na akong skul. Ah ito na nga yon, Goldenwoods academy. Huminto muna ako at tinitigan ang eskwelahan na aking papasukan. Napangisi na lamang ako...
'Get ready everyone, cause the real game is about to begin.'
Lumakad na ako at pumasok sa malaking gate. Hindi na ako nagulat ng may mga tumitingin saakin. Knowing na elite school ito, hindi na nakapagtataka na husgahan nila ako ng basta-basta.
Nilabas ko sa bag ko yung papel na binigay sakin ni Luke na schedule ko daw. Nakita ko na sa Building B room 403 ang klasrum ko. Tsk, san ko naman hahanapin yun? Kalaki ng school na ito ah.
"Uhm, Excuse me?" Tanong ko sa guard na nakatayo. Napatingin naman sya saakin at ngumiti.
"Ano po yun, Mam?"
BINABASA MO ANG
MAY THE BEST PLAYER WIN.
Teen FictionA story of two professional players who fell inlove with each other.