Simula nung araw na yon lagi na kaming magkausap ni Josh, Napaka kumportable nya kausap. We shared a lot of things about ourselves. We exchange phone numbers, Pero hindi pa kami naguusap via call kasi tamad magload hahaha. Nalaman kong choir sya sa simbahan nila. Tapos isla pala yung kanila. He wants to be an architect someday. Bongga diba?
*Ting*
"Oh hala hala. Nagchat syaaaa kyahhhh~ " sabi ko at dali daling tinignan yung phone ko. Nalugmok ako sa nakita ko.
"Ay puteks. Gc lang pala! Banamanyan!" Pagmamaktol ko
"Oh anong mukha yan? Hindi nagchat yung chatmate mo?" pagiintriga ni mama
"Maaaa nemeeeenn! Hahahaha. Pero Oo e, Nakakainis nga e! Hmmm" Nakasimangot kong sabi
"Nako dane ha. Tumigil ka dyan. Wag ka maniwala sa mga ganyan mo lang nakilala. Hindi mo pa nga iyan nakasama eh" Pambabasag si mama
"Maaaa! Mabait to. Promise! Hehe. Support ka nalang. Iloveyou!" Sabi ko at yinakap sya
"Nako dane" tanging sagot nya
Ang saya-saya magkaroon ng supportive na mama, That's why im so thankful. Kahit hindi kami buo at wala kaming papa. Andyan naman si mama. Kaya im so contented on what i have.
-
Hapon na pero wala paring paramdam si Josh. Bakit kaya? Baka busy sa school? Baka busy sa babae? Nagtataksil naba sya sakin? Whaaaat? *Sampal self* Hanudaw? Sira utak na ako. Kasi namaaaan! Hindi pa sya nagpaparamdam.Sa araw araw naming magkausap, Nasanay nako sa existence nya. Hay buhay, Parang life.
-
6 pm, *Tingin sa phone* Wala parin.7pm, *Tingin sa phone* Wala parin talaga.
8pm, *Tingin sa phone* Wala parin ba talaga?
9pm, *Tingin sa phone* Hayyyyy wala talaga, Last one hour.
10 pm, Shet wala talaga e. Ano ba naman yan.
"Dane, Gabi na. Matulog kana at may pasok kapa bukas, Baka hindi ka makagising ng maaga bukas" sabi ni mama
"Mamaya saglit ma. " malungkot kong sabi at tinititigan lang ang phone ko
"Hindi parin nagpaparamdam?" tanong nya sakin
"Opo" sagot ko
"Wag kana umasa, Matulog kana"
"Mama naman ehhh! Ang sama mo sakin ah. Nasanay lang naman ako sa tao" sabi ko at sumimangot
"Magtigil ka dane ha, Matulog kana. Sumunod kana sakin. Dalian mo" sabi nya at dumiretso sa kwarto
"Ano bayan! Josh naman kasi e. Wala ba talaga? Anong nangyare sayo? Psh. Kainis ka" Pagkakausap ko sa chatbox namen. Nababaliw na ako, hay nako.
"Ano ba dane! Matulog na sabi e" Sigaw ni mama mula sa kwarto.
"Oo na po. Andyan na" Sabi ko muling sinulyapan ang cellphone ko bago pumasok sa kwarto
BINABASA MO ANG
Distant Love
RomantizmInternet Love Story? Long Distance Relationship? Unang basa palang ang hirap na ipaliwanag. Do Internet Love story have an happy ending? Do Long Distance Relationship work? Would you settle for the love even there's an DISTANCE between you and your...