Hindi ako sigurado sa araw na to, pagka malas malas nga naman, nahulog yung pera ko sa ilog, at nadapa ako sa putikan, kasi tong si Arvin kung makatulak wagas! Nagmamadali daw? Sus, palusot pa sya! May 3 minutes pa naman bago mag bell eh.
Kainis!
Putikan tuloy tong uniform ko, puti pa naman, tapos tinawanan lang ako! Some friend right? Eh wala naman na akong magagawa, andito na kami sa school, kakaulan lang kagabi, alangan namang umuwi pa ako diba? So ayan, pumasok akong putikan ang polo.
Well, kasalanan ko din naman kasi hindi ako tumitingin sa- teka. Kasalanan nya to! Gagu yun eh.
Tss. Narinig ko na yung bell na nagsasabing tapos na ang huling araw namin sa eskwelahan. Syempre hindi ko na soot ang polo ko sa loob ng klase, kaylangan ko lang sya para makapasok sa loob ng school.
"Yes! wala nang exams, graduation nalang!" Sabi ko kay Arvin. Speaking of the devil, sinuntok ko sya sa braso. Ayun napahimas ang sira ulo.
"Aray gago! Anu nanaman yun?" Ingi nya.
"Para yun sa panunulak sakin"
"Tss" Ang huli kong rinig habang nagkakagulo na yung mga estudyanteng umalis ng room namin, sila yung mga natapos ng maaga na naghihintay ng bell kasi wala nang maisagot sa exam.
"Bry, can you please stay after school, I'd like to talk to you about something" Sabi ni Mr. Winters ng naka ngiti.
Grabe talaga tong kano naming teacher ng english. Talagang amerikano ang kinuha ng school namin para lang sa english subject. Tindi noh?
"Okay sir" Sabi ko habang inaayos ko yung gamit ko.
"Here sir" Inabot ko na yung test paper ko, ang hirap pa nya magpa-exam, essay ang putek. Grabe talaga. Ganun daw sa america, aber, nasa pinas ka sir, kahit pagkaguluhan ka ng mga teacher naming babae na ayon sa kanila ay "gwapo" ka daw, so what?
Hindi ba dapat sumunod sya sa Philippine standards kasi nasa pilipinas sya? Yung usual na "testing your student's memory" exam na peg. Ganun naman kasi yung lahat ng subjects namin eh, hanggang sa memorya nalang ang pagsusulit.
Eh since hindi naman ako ganun ka behind or weak sa memorya ay may advantage parin ako doon kahit papaano. Sorry nalang sa mga mabibilis makalimot.
"Thanks" Sabi nyang naka ngiting aso. Hay nako sir, may something talaga to nung day one palang eh. Either may saltik or may hindi lang ako ma interpret sa kanya.
Bumalik na ako sa silya ko para hintayin yung iba magpasa ng exam este, essays nila. Nakakatuwa din pala pagmasdan yung mga mukha nila, sobrang hirap na hirap sila. Simple SV agreement lang sus!
"Pre una nako, maagang bakasyon kami ngayon eh" Sabi ni Arvin nung lumapit sakin.
"Sige sige, happy vacation nalang" Kinawayan ko sya habang palabas na sya ng kwarto.
Marami paring nag e-essay, pero mas marami nang nagpasa. Tumingin ako kay sir pero nahuli ko syang nakatitig sakin tapos biglang iwas ng tingin at nagayos ng papel. Sabi na nga ba may saltik to eh.
"Huy bilisan mo nang makaalis na din ako" Sabi ko kay Jessica na nasa likod ng upuan ko.
"Oo, ikaw na magaling shhh" Sabi nya sabay tapik ng aking ulo at balik sa pagsagot sa number 9. Yun pa ang pinakamadali. Give 5 sentences with different SV agreements. Eh ang dami nun. Sus, araw araw syang masalita sa tagalog ni hindi man lang nya alam na sinasabi narin nya araw araw yung mga yun.
Eh bahala sya. Si Kim nagpasa na. "Uy Kim, kamusta?" Sabi ko nung pabalik na sya sa upuan nya.
"Sus, oo na, ikaw na magaling sa english" Sabi nya ng hindi man lang lumingon sakin habang inaayos ang gamit nya.
BINABASA MO ANG
Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)
RomanceOne shot tagalog stories. More on love stories sya. Any kind ha! Ngayon palang nagsosorry na ako sa mga typo or hindi maintindihan na parts. Tao lang :) Enjoy! Maraming salamat po sa lahat ng externalities na naginspire sa akin na magsulat ng ganito...