Bata lang din naman ako na gusto lang mahanap at makasama ang partner ng buhay ko, drama ko no?
Teka, bata daw? I just turned 16, I'm not a kid anymore, no no.
Hindi, pero seryoso, gusto ko kasing ma-experience ang sinasabi nilang "love".
Kasi sa mga nababasa ko sa mga pocket books ang sarap daw ng feeling. Yung ikaw ay hahalikan biglaan ng mahal mo, yayakap yakapin, tapos meron pang HHWW sa mall. Oh diba? Parang ang sarap ipamuka sa iba na may boyfriend ka na. Pero.
Yun na nga eh. Sino ba ang magkakagusto sa itchura kong 'to?
Simple lang manamit, mahilig mag pigtails, may braces, naka salaming pagkalakilaki. Parang si Katy Perry nung kinanta nya yung last friday night.
Pero di naman ganun katindi itchura ko, parang lang. Defensive much?
Oo na, sige na, wala akong itchura. There, happy? Andito lang ako ngayon sa bahay nagbabasa nanaman ng pocket book. Ang dami ko nang natapos na ganito, at halos lahat happy ending.
Kung tutuusin nakakainggit sila. Gusto ko din kasing matikman yung mga naranasan ng mga babae dun. Tikim talaga? Nalalasahan daw ba?
Hay, ang ganda ng araw ngayon, palubog na sya.
Napatingin nanaman ako sa swing set sa labas ng bahay namin, playground na kasi yun, dating field lang sya, eh nainis yung may ari kasi bawat buwan ata tinatabasan nya, ayun, pinasimento at pinatayuan ng playground. Ang generous no?
Mayaman eh, dapat lang talaga. Give to those who need. Haha!
Lagi ko nakikita yung lalaki doon pag hapon, nasa swing, gwapo nya, in fact crush ko sya. Nakaupo lang, pero mukang malungkot. Nakita ko narin naman syang ngumiti dahil sa mga batang naglalaro pero pag wala na sila, ayun balik siya sa pagmumukmok sa swing. Patuloy lang sya sa ginagawa niya hanggang dumilim tapos aalis na, hindi ko na inaalam kung saan pumupunta kasi hindi ko rin naman makikita, bumababa siya sa kabilang street kaya hindi ko makita.
Nagumpisa sya two weeks ago, naks, stalker eh no? Lagi syang naka upo sa swing, ako naman ang laging nakatitig sa kaniya. Nakita niya akong tumititig once, last week pa yun, buti nalang hindi niya ako nilapitan kasi nakapagtago naman ako kaagad, ata? Eh nasa harapan ng bahay pa naman namin ang kwarto ko kaya full view ang playground mula dito.
Pero ngayon, hapon na, wala pa sya, bihira siya ma late. Sinasabi ko na nga ba eh, stalker na talaga ako, pati oras alam. Bakit ba? Gwapo nya eh, super, taob sina Ranz ng chicser, or si Daniel Padilla. Basta gwapo sya para saken, period no erase!
Wala naman syang bad boy type na itchura, nor do I like them, may, something lang talaga sa kanya na nakakaakit ng paningin at nakabihag agad ng puso kong ito. Parang lyrics yun ah.
Tumayo na ako sa kama ko at lumabas.
"Nak, bili mo nga ako ng patis kina Nena" Sabi ni nanay nung pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto.
Wow ha, utos agad.
Eh di lumapit nalang ako kay nanay imbis na magreklamo kasi pinapakain at pinapatira at pinapagaral naman niya ako. Binigyan nya ako ng bente.
"Sachet?" Tanong ko.
"Bote na"
"Okay" pabulong kong sabi habang palabas ng kusina.
Lumabas na ako at bumili kila aleng Nena. Doon pa yun sa kabilang street, kaylangan mong tumawid ng playground, at least hindi na ako iikot tulad ng dati noong may damuhan pa doon diba? Nakakatakot kasi dumaan doon, sabi daw nila may ahas kaya natakot na ako.
BINABASA MO ANG
Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)
RomanceOne shot tagalog stories. More on love stories sya. Any kind ha! Ngayon palang nagsosorry na ako sa mga typo or hindi maintindihan na parts. Tao lang :) Enjoy! Maraming salamat po sa lahat ng externalities na naginspire sa akin na magsulat ng ganito...