Unruly Crush

11.4K 62 6
                                    

True to life itong isang to ah, I'll just use other names just to protect those people involved kung ayaw man nila o gusto, yun lang.

Fourth year college na ako ng Accountancy, meron din naman ako naging crushes dito sa school pero simpleng crush lang, yung tipong dadaan si crush tapos mapapangiti ka lang tapos palandi landi ng konte kahit alam mong hindi ka naman nya papansinin.

Yung ganun?

Mahirap din kasing maging inlove tapos nagaaral ka ng accountancy, ewan ko, ganun ang tingin ko eh, para kasing nahahati yung atensyon mo sa pagaaral at sa syota mo, parang ang hirap i-balance.

Diba? Ewan ko nalang kung pano nagagawa ng iba yun, bilib ako sa kanila, pero hindi lahat ganun eh, at yun ang ikinakatakot kong mangyari sakin, kaya umiiwas iwas muna ako sa love na yan.

Aral muna diba? Weh?

Oo! Lalo na kung may tatay ka na CPA, tapos pinepressure kang mag top sa klase nyong lilima lang kayong estudyante tapos ikaw pa yung bobong tao na nagtataka sa sarili na, bakit ba ako nasama sa lima eh hindi ako nagaaral, ang hina ng utak ko, memorya, at understanding, parang hindi kapanipaniwala na nandito ako, feeling ko hindi ko to deserve, pero nandito na ako eh.

Kahit nga sa artistic side lagapak ako eh, kahit na gustung gustu kong mag-paint, o tumugtog ng gitara at ng piano, wala, lagapak. Hindi ko alam kung may balat ako sa pwet o nasa genes ko lang talaga na ipinanganak akong hindi magaling sa left brain.

Diba sa left brain yung artistic side? at yung sa right yung brainy stuff? Well kung ano man yung arrangement, sa pagkamalas malas ko, hindi ako inclined sa kahit ano man doon.

At mahiyain pa ako! Oh diba? Marami nang pangit na qualities nasa akin! Napaka walang kwenta kong tao kung tutuusin lang. Isa lang akong pabigat sa mga magiging kasama ko twing may group report or anything group related. Kaya bumabawi ako sa contributions kahit alam kong dead weight lang ako para sa kanila.

I don't know if they feel the same, eh kasi di ko naman tinatanong. Feeling ko lang siguro.

So ayun andito ako ngayon sa room naka-tunganga lang ako dito sa klase habang nakatitig sa Auditing Theory na tine-take ko for the 2nd time, kasi nga ang bobo ko, habang hinihintay yung prof.

"Roj nagreview ka na?" Tanong ni John bago makaupo sa tabi ko, kakadating lang nya. Yeah, I'm Roj nga pala, short for Roger.

"Oo, kaso hanggang dito lang, iniskim ko lang yung dulo eh ang dami kasi" Tinuro ko sa kanya.

"Ahhh" sabi nya habang tumatango.

"Ikaw John? Hanggang saan ka?" Tanong ko ng hindi inaalis ang mata ko sa librong tinititigan ko.

"Binasa ko lang eh, pero ok lang nagreview naman ata sila Ken at Rey" Ingi ni John, may pa games kasi yung reporters for every chapter, eh more on questioning na may pisikalan na peg ang palaro ng reporters, eh di kelangan talagang mag review, kasi pag nanalo daw may +1% sa final grade! Oh diba? ang bigat na ng 1% ah! Syempre kelangan competitive dapat, sayang din yun.

Ayun, natapos din ang games, panalo naman, yes!

"Roj pakisabi sa classmates mo walang class today ah" Sabi ng prof namin. Sya din kasi prof namin sa subject ko later, kaya sinabi naman nya yun kasi puro third year kasama ko sa auditing theory na ito. Ayun parang ako yung messenger ng class namin.

"Ok po ma'am" Sabi ko with a smile and a nod.

Eh di takbo naman ako sa library kung saan nag duduty yung isa kong classmate sa class ko mamayang hapon.

"Ate Kim, wala daw class mamaya sabi ni Ma'am"

"Ah? Bakit daw?"

"Di ko alam eh, nahihiya akong magtanong, sorry, patext nalang sila ate Mits, Vicky at Pogs" Tinitigan nya lang ako saglit bago tumango.

Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon