P.S. I Loved You

5K 51 2
                                    

Lahat tayo ay dadaan sa phase na makakakita ka ng gusto mo or hahanap hanapin mo ang gusto mo. Mapa bagay man ito o tao.

Hindi naman ako humihiling ng sobra, kaka college ko lang naman kasama yung bestfriend ko na si Daniel.

Alam nyo na siguro kung saan ito patungo.

Kababata ko to si Daniel, hanggang ngayon hindi ako iniwan nyan, kahit na ilang beses pa kaming mag-away noon, hahanap talaga sya ng paraan para magkabati kami.

Mabait sya, mahilig manlibre kahit na sinasabihan ko ng ayaw ko, sweet, minsan over protective, I swear, para ko na syang magulang, pero, iba parin ang trato mo sa mga ka age mo eh diba?

Minsan pag nahihiwalay kami sa isa't isa dahil nag outing or nag bakasyon sa probinsya ng matagal ang isa samin, nag tetext lang kami almost all the time everyday. Wala akong pake kung walang signal dito, or wala syang signal doon, hahanap talaga kami ng paraan para makapagusap, pati friendster napagdiskitahan namin eh. Hilig ko pa naman ang mag testi.

Narinig ko pa nga minsan na sa sobrang close daw namin sobrang hirap na daw kaming paghiwalayin, kulang na nga lang samin eh yung glue. Para stick together na talaga kami.

Cute kaya nun, noh? Nakakatuwa naman isipin.

Pero unlike any bestfriendship na relationships na iniimagine ko, wait wait wait. Ideally kasi ang mag bestfriend is dapat magbestfriend lang, anything beyond that kasi, compromises their current relationship, and MAY end in tears on either side, but not all the time.

I don't want to risk what we have kasi.

So ganun ang naiimagine ko. Pero no. My stupid feelings have to get in the way and interfere with my relationship with Daniel.

Nakakainis.

Pero kasi, who wouldn't fall inlove with him naman? Gwapo, leader ng swim team nila, mabaet, caring, considerate, protective, jokester, makulit, funny, and romantic, basta maramig maganda sa kanya.

Well, the last one is weird, I spied on his date once kasi, wala lang, gusto ko lang. Pero secretly nagseselos na ako.

Break naman na sila ngayon. Pero yung mga ginawa nya, as in, yung tipong full powers ang pagka romantic nya, may rose sa table, silang dalawa lang sa resto, candle light dinner ang itchura, tapos may violin player pa. Diba? Ay! I almost forgot, may rose petals at candle path pa from the entrance to their table, grabe diba?

Wish ko lang ako yun.

Pero, wala, yaan mo na. Tampo ako sa kanya kinabukasan eh, hindi kasi kami nakapag thursday movie night. Yun na nga lang yung date namin na ako lang nakakaalam eh tapos inagaw pa ng babaeng yun. Hay, pero wala akong nagawa nun, bestfriend ko kasi si Daniel, so ano pa ba ang dapat gawin ng isang mabuting kaibigan?

Eh di be happy for them diba? But don't spy on his/her date, nako, sinasabi ko na sa inyo, maiinis lang kayo, at magkakasala pa kayo sa kada lait mo sa ka date ng bestfriend mo.

Diba?

Pero ayun ang nangyari.

Nandito ako ngayon sa bahay nya, nasa kama sya nakahiga, habang ako'y nasa computer nya tinitignan ko yung friendster ko.

"Tingin mo ba papatayin nila si Amihan?" Tanong ni Daniel.

Favorite show kasi namin sa channel 2 ngayon yung encantadia.

"Nino? Ni Pirena? Eh bida sya eh, pati si Pirena, feeling ko hindi" Sabi ko.

"Wag mo na nga isipin yan, panoorin nalang natin bukas yung susunod, ilipat mo na yan, pangit na yung next na palabas eh" Tuloy ko.

Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon