Ako si Cherry, yung pagkain.
Yeah, love ko kasi ang cherries, kaya fit na fit sa pangalan ko.
At sya naman si Anthony, yung gwapo na nakaupo sa lunch table kasama ang best friend nya.
At ang masasabi ko lang ay... SHET.
Ang gwapo nya talaga.
"Uy Che tara na mag gagabi na" Yan naman si Carrie, twin ko. Kala naman nya napakalayo ng bahay namin dito sa school eh sa kabilang street lang naman ang bahay namin. Marami naman kaming physical differences nito ni Rie pero nonetheless, twin ko parin sya, mas nauna nga lang ako ng mga 2 minutes sa kanya kaya panganay ako.
"Uy, tama na yan baka matunaw si Anthony" Sabi nya nung gitgitin nya yung bewang ko para magising sa katotohanan.
"Anu ka ba Rie, di ko sya type no" Sabi ko with matching kunot noo.
"Asus, ako pa niloko mo, kilalang kilala kita, kambal pa tayo, kaya alam ko kung may gusto ka sa isang tao o hindi, tulad ni Bryan nung 2nd yr, ni Jaime nung 4th year, ni-" Tinakpan ko ang bibig nya.
"Oo na oo na, I see your point, tara na" Sabi ko ng patayo. Ako din naman, alam ko kung may gusto tong si Rie sa isang tao o wala, at alam kong gusto nya rin ito si Anthony, pero nga, nagparaya sya sakin kasi ako daw ang unang nakakita sa kanya. Kaya ayun.
Solo ko si Anthony... Sa panaginip ko. Hahahaha!
"Bili muna tayo ng fishball" Yaya ko.
"Oo nga sige, nagugutom na din ako eh" Sabi nya at nagsimula na kaming maglakad palabas ng gate papunta kay manong fishball.
Yun kasi yung tawag namin sa kanya.
"Rie" May narinig akong tumawag.
"Oh Josh, bakit?" Si Josh ay friend namin mula nung highschool pa, dito narin sya nag college.
"Don't forget daw yung gagawin bukas sabi ni Trish" Sabi ni Josh.
"Ahh sige, sige" Sabi ni Rie habang tumatango. At umalis na si Josh.
"Sige, bye girls"
"Bye josh" Sabi naming dalawa.
"Anu meron bukas?" Tanong ko.
"Ahh, gagawa daw kami ng model para sa project namin."
"Ahh" Sabi ko. Di ko na sya kinulit pa tungkol dun.
"Manong magkano dito?" Tanong ko habang tinuturo yung pagkain.
"Squidballs? Dos"
"Eh kikiam kuya?" Tanong ni Rie.
"Piso"
Kumuha na kami ng baso at nilagyan na namin ng gusto naming pagkain at sawsawan.
"Kuya bente pesos nga pong fishball at squidballs, balot" Narinig ko. Nanlaki mata ko dahil alam ko kung kaninong boses yun.
Shet.
Sumimpleng tingin ako sa kanan ko.
At nangyari nga ang ikinakatakot ko, ay ang malapitan ni Anthony Dela Torre, mapa directly or indirectly. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Hi Ton" Sabi ng isa sa mga babae na bumubili ng fishball din sabay tawa ng maarte.
"Hi girls" Nginitian nya sila. Syet, ang gwapo nya talaga.
Heartthrob lang ang peg.
Gano pa ba katagal ang binibiling pagkain nitong si Anthony?
Anu bayan, sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, nakakailang. Syet.
BINABASA MO ANG
Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)
RomansaOne shot tagalog stories. More on love stories sya. Any kind ha! Ngayon palang nagsosorry na ako sa mga typo or hindi maintindihan na parts. Tao lang :) Enjoy! Maraming salamat po sa lahat ng externalities na naginspire sa akin na magsulat ng ganito...