Right Place Wrong Time

14.8K 112 19
                                    

"Promise mo sakin ha" Pilit ko.

"Promise mahal, hinding hindi ako titingin ng ibang babae, dahil ikaw lang ang babaeng gusto kong tignan" Sabi nya kahit medyo maingay sa phone, narinig ko naman sya. Kilig to the max naman ako.

"Basta Pot, Wednesday doon ulit sa spot ha" Tuloy nya. Hala, two days nalang!

"Sure, after work?" Tanong ko habang tinitignan ko kalendaryo ko. Taray no, kala mo busy.

"As always" Sinabi nyang tumatawa. "Oh, sige na Pot, tinatawag na flight ko" Sabi nya. Lilipad nanaman sya. Nakakatakot minsan kasi hindi mo alam kung makakabalik pa ba sya o hindi, o kaya ay ayaw na nya ako pagbalik nya or- che! Potpot, manahimik ka, wag magisip ng negative! Dapat positive lang!

"Okay B" Sabi ko habang hinihimas ko yung necklace na bigay nya last christmas na may letters "PB" na nakasabit. P for Potpot and B for Bryan. Di ko alam kung bakit ko pa inexplain yun.

Ay si B!

"Oh sige, hindi ko man kayang" Umpisa nya.

"pigilan ang iba, o kung anong mangyayari ngayon, wag nang mag alala mahal, ikaw lang ang iniibig ko ngayon mula noon" Sumabay na ako.

"I love you B!" paalam ko.

"I love you more Pot! Mwuah!" Sabi nya. Napatawa tuloy ako.

"Sige na maiwan ka ng flight mo"

"Ay oo nga, sige Pot! Wednesday ah!"

"Oo na" Tawa ko. "Punta na" Tuloy ko.

"Sige" Sabi nya bago ko binaba yung telepono.

Hay, buhay! Tagal naman ng 2 days! Then again, so is 28 days! Makaka 30 na sya then tapos na yung training nya. Chef kasi sya, kaya tine-train sya magluto ng different cuisines at matuto daw ng other cooking techniques from around the world. Susyal ng napasukan nya diba? Kaya sya ang man of the kitchen pag nandito sya.

But that is only one of the many great things about him.

Para syang si Christian Bautista ng Kitchen the musical. Hoy ah, mas gwapo pa si B kay papa Christian, I can attest to that. Hahaha!

Hmmm, kaso nga lang medyo tabingi si B sa kantahan, kaya si papa Christian ang panalo pag kantahan. Hehehe.

Napahiga nalang ako dito sa kama habang nakatingin sa kabinet ko. Andun parin yung regalo nya na hindi ko pa binubuksan, iniabot lang to sakin ni tita Seny, nanay ni B, habang nasa kalagitnaan si B ng kanyang training. Sabi eh tumawag daw si B sa kanya na ipadala yun at sabi sa kanya na pagsabihan daw ako na wag ko daw buksan, na hintayin ko daw si B bumalik.

Ganun ba ako ka predictable?

Ang hirap palang tiisin na hindi buksan yan lalo na nung first day, ay nako grabe, kulang nalang itali ko ang sarili ko para lang wag buksan yung kahon na yun.

At yun ang nangyari, nabuksan ko na sya. Ooops oooops.

Yung wrapping lang. Hehehe. Nasa loob ng box yung laman eh at yun ang hindi ko mabuksan. Kasi naka lock sya. Talino no? Haaay. Napredict nya siguro na hindi ko matitiis na hindi buksan. hehehe. Magaling pa naman syang mag predict, nagaalala nga ako minsan kapag may napapangitaan syang namamatay. Biglaan nalang syang gigising ng madaling araw sumisigaw.

Gift daw nya yun eh, and it's also a curse. Nakakaawa nga si B eh, minsan naiiyak nalang din ako sa sobrang takot nya sa mga nakikita nya. Haay.

Nalungkot nanaman ako.

Nag riring nanaman phone ko, hala si B!

"Hellow B?"

Ang tahimik ng linya.

Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon