Ako'y isang mahirap na babae lamang, laking probinsya, pero matipuno at may pinagaralan naman kahit papaano, at syempre respectful.
Dalawang araw na akong bumabyahe ng Maynila makahanap lang ng trabaho, ngunit sinusungitan pa ata ako ng kapalaran at ako'y hindi binibigyan ng aking kailangan.
Sa bus lang ako natulog kagabi habang bumabyahe, at ngayong padilim na, wala parin akong nahahanap na trabaho. "Kahit katulong lang lord, hanggang sa makatayo lang ako sa sarili kong paa"
Hiling ko habang naka upo ako sa isang side walk ng isang subdivision at nakatago ang ulo ko sa mga kamay ko habang nakay yuko. Kanina pa ako nag do-door to door para magtanong kung kailangan nila ng katulong, ngunit lahat walang may kailangan, yung iba naman walang tao.
"Katulong? Dito samin oh, baka gusto mo" Rinig ko. Lalake ang boses.
Dinahan dahan ko ang tingin ko pataas, una kong nakita ay ang itim nyang sapatos at ang kanyang itim na pantalon, slacks ata tawag nila dun, at tinaas ko pa ang aking tingin para makita ang kanyang polo na light blue na nag cocomplement sa kanyang matang may pagka brown na black habang sya'y nakangiti at may hawak na maleta.
"Po?" Tanong ko
Napatawa sya ng konte.
"Sabi ko baka gusto mong mag apply samen, kaylangan namin ng katulong" Pagkaulit nya. Nakangiti pa.
Infernes to si sir, gwapo ah, fitted yung polo, halata yung muscles sa braso, pati abs, halata. Or baka malinaw lang talaga mata ko.
"Sigi sir, kahit mababa sweldo okay lang po, basta may pagkain at matutulugan" Sinabi ko habang ako ay tumatayo at pinagpagan ang aking sarili.
"Oh sige, ok na ba sayo yung 3,500?" Tanong nya habang nakatitig sya sakin. Nakakailang ah! 3,500 a month? Kasya na kaya yun? May tirahan naman at pagkain, pwede na siguro yun, hahanap nalang ako ng bagong mapapasukan habang nagtatrabaho ako dito.
"A month sir? Sige po" Inayos ko ang tayo ko habang binabalik ko ang tingin niya sakin.
Tumawa nanaman sya ng mahina.
"No, no, 3,500 a week"
Ha? A week?! Tama ba pagkarinig ko?
"Sir?"
"Yes, a week, deal or no deal?"
"Hala sir, sige po deal na" Sabi ko, ngumiti nanaman siya. Siguro maraming chicks to si sir, ang gwapo eh.
"Good" Iniabot nya ang kanyang kamay at kinuha ko naman ito para makipag shake hands.
"I'm Marco, and you are?"
"Kimberly po, Kimberly Posadas, pero pwede narin pong Kim nalang"
"Ahh sige Kim, tara pasok ka" Sabi nya ng bumitaw na ang kamay nya sa pagkakashake saken. Muntikan ko nang hindi ialis ang aking kamay, ang lambot ng kanyang haplos, ang init din ng kanyang hawak. Grabe ah.
Tinuro nya yung bahay sa likod ko kung saan ako naka upo kanina sa may tabi ng daan.
Hala! Mansyon ata itong bahay ni sir, grabe ang laki! Kasya na ang buong baryo namin dito.
"Dyan kayo nakatira sir?"
Tumawa nanaman sya. Cute lang, bakit ba? Napapangiti tuloy ako ng di oras. Kasi naman Kim eh, common sense na nga lang hindi pa gamitin.
"Oo, dito, tara pasok ka" Sabi nya nung binuksan nya yung gate.
"Pakibukas naman yung isa" Sabi nya, kinuha ko yung mga bags ko na naka harang at itinabi para mabuksan yung gate. Bakit nya pinabukas? Hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)
RomanceOne shot tagalog stories. More on love stories sya. Any kind ha! Ngayon palang nagsosorry na ako sa mga typo or hindi maintindihan na parts. Tao lang :) Enjoy! Maraming salamat po sa lahat ng externalities na naginspire sa akin na magsulat ng ganito...