His Love or My Love

5.1K 55 2
                                    

Inspired 'to ng song ni KZ Tandingan na "Mahal ko o mahal ako"

Binasa ko muna yung lyrics, at tinignan ko kung tutugma sa idea na naisip ko para sa part na to bago ko sinulat, este tinayp.

Kaso parang malayo sa lyrics or message, anyway, basta nasa title ng song yung theme ng kwento kahit hindi ko nahagilap yung message ng song. So, Enjoy.

Kung ikaw ang tinanong, sino ang pipiliin mo? Mahal mo o mahal ka?

Bawal ang oo o hindi. Dapat, mahal mo o mahal ka. Ganun kasi yung ibang tao, hindi nakikinig sayo, oo nalang o hindi ang sagot. Nakakainis yun diba?

Pero seryoso. Kasi kung ako yung tatanungin mo dati, mahirap yang sagutin.

Ganito kasi.

Diba mahal mo kunyari si A, eh pano kung ayaw ka naman diba? Eh ang problema nga, is, mahal na mahal mo si A.

Tapos, as if your love life wasn't complicated enough, anjan naman si B, na todo ang pagmamahal sayo tulad ng pagmamahal mo kay A. Ang problema naman dito ay, bestfriend mo sya, iba ang tingin mo sa kanya eh, at syempre, being the good bestfriend you are, ayaw mo masaktan ang feelings nya, baka masira lang ang friendship nyo. Sayang naman diba?

Kaya hinahayaan ko lang muna syang umasa. Oo pangit pakinggan, ayoko syang i-friendzone, pero ayaw ko rin syang saktan.

Ang hirap kasi.

Oh diba? Kung ikaw nasa sitwasyon ko...

Mamahalin mo pa ba ang taong mahal na mahal mo? O, pipiliin mo ang bestfriend mo kesa sa taong mahal na mahal mo?

Parang teleserye lang.

"Hindi ka pa ba jan tapos ate?" Tawag ni Kaye.

Pinsan ko yan, pero turing ko na syang kapatid. Lahat kami nila papa at mama, ang turing namin kay Kaye ay pamilyang kadugo na nasa 0 degree, kung meron man nun.

"Malapit na" Sigaw ko. Kakatapos ko lang mag shower. "Nagpupunas na" Tuloy ko.

Di na sya umimik. Matapos kong mag punas lumabas na ako at agad naman syang pumasok.

"Ohh easy lang maaga pa"

"Maaga ka jan, quarter to 6 na oh!"

"Oh, baket anong oras ba klase mo?"

"Seben terti"

"Ohh, eh mahigit isang oras pa, kakain ka lang naman at maliligo at magbibihis"

"Eeeee, basta malelate ako" Sabi nya sabay sarado ng pinto.

Taray ah. Ang aga aga. Buti nalang maaga si mama magluto at nakakain na ako. Ganyan yan minsan si Kaye, kaya sanay na ako.

Nag bihis na ako sa kwarto namin ni Kaye at nagpaalam kay mama habang si papa ay tulog pa. Tanghali na yan gumigising.

"Bye ma"

"Ohh sige anak magiingat ka ah!"

"Opo"

Papasok na ako ng school. Pero may week-end job akong nakuha sa isang coffee shop ng tita ko. So pag weekdays, aral, at pag week ends, trabaho. Kahit ilang libo lang yun kada buwan, malaking tulong narin sa gastos ko yun para sa school.

Kadami ba namang projects na ibigay sayo eh, tignan natin kung hindi umiyak yang wallet mo.

Diba? Lalo na yung mga nakakainis na prof, alam mo yun? Naiinis ka na nga sa kanila, magpapaproject or assignment pa sya ng napaka walang kwenta tapos kinakailangan mo pang mag bayad, lalo na kapag walang relate sa topic nyo yung papagawa nya. Sayang lang sa pera, pero kahit ganoon sila, sinusunod ko nalang, baka ibagsak pa 'ko ng mga yan. Wag na uy, sayang yung scholarship ko.

Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon