Dati tinatanong ko ang sarili ko kung ano ang mas mahirap gawin sa dalawa, magsulat o magbasa.
Tinanong ko din ito sa mga kaibigan ko, may mga sumagot na magbasa, merong magsulat, merong both, may wala, at may sumagot din ng Oo.
Ganda diba?
Nasa kalagitnaan ako ngayon ng school play namin, first time kong mag assist sa back stage para ayusin ang mga kaylangan ng aming actors.
Syempre naman, mas magandang makisali ka sa kanila kahit na ikaw pa yung writer ng play. Yep, sariling gawa ko ang play na ginaganap sa kasalukuyan, pero tingin ko wala akong talent umakting, kaya sa mga classmates ko nalang pinaubaya yoon.
Lived by blood and title, kwento ng magkapatid at kung pano nila hinarap ang sunod sunod na problema sa kanilang maagang pagkaulilang buhay.
Enough about that, alam ko na yung kwento eh. Nasa climax na sila, kung saan nagkahiwalay ang magkapatid. Medyo mahaba itong part na ito kaya nagpahinga muna ako sa malamig na parte ng backstage, at yun ay kung nasaan yung malaking aircon stand.
Medyo maalikabok nga lang doon kasi bihirang puntahan ng mga tao, maliban nalang kung bubuksan o papatayin yung aircon, pero okay lang, at least walang mangungulit sakin.
Pinuntahan ko ito at umupo sa tabi ng aircon, nang makaupo ako, nahulog ang bolpen ko sa bandang kanan ko at gumulong sa ilalim ng aircon.
"Anubayan" Inis kong sinabi. Kinapa kapa ko ito ngunit may bigla akong nahawakang matigas at malamig, biglaan kong kinuha ang aking kamay.
"Ay pushet" Napasabi ko bigla at tumayo ng pagkabilis bilis.
Tinitigan ko muna saglit ang puting aircon dito sa may pagkadilim na parte ng back stage at hinintay kung may magiingay o lalabas, ngunit wala naman.
Pasensya na, takot lang po sa daga at ipis.
Nilapitan ko ulit ito ngunit ngayon gumamit na ako ng flashlight ng cellphone ko.
Nakita ko na yung bolpen pero may nakita din akong katabi nito, parang libro. Kinuha ko agad ito pati yung ballpen at binuklat ang unang pahina. Nakapunit ang mga nauna pang pahina bago makarating dito sa kasalukuyang pahina kung nasaan ako ngayon, pero hindi ito yung first page.
"Nasan na?" sabi ko sa sarili.
"Direk? Direk!" May isang nagtatawag sakin. Nagulat naman ako bigla at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Mike" Tawag ko. Kaboses nya eh, malay ko ba, hindi ko naman nakita, nasa kalagitnaan ako ng hagdanan papunta sa ilalim ng stage at paakyat ng stage, dito kasi nakalagay yung aircon, kaya malamig dito kasi walang tao sa ilalim ng stage, pero sobrang dilim doon, nakakatakot nga tignan eh, buti nalang walang mga butas yung hagdan kundi ay nako, baka may humugot sa paa ko pag akyat ko.
"Uy direk! bat nanjan ka?" Sabi ni Mike. Classmate ko sya, sya din yung assistant director ng play ko kasi sya ang co-writer. Sorta.
Sya nagisip ng title. Nahirapan kasi ako gawan ng title. Eto yung samples ko oh...
The two brothers.
The helpless brothers.
Faith restoration of the brothers.
Ang papangit diba? Buti nalang anjan si Mike. Syempre dapat may credit sya, kaya ayun, ganto ngayon ang sitwasyon namin. Bumaba sya sa hagdan ng dahan dahan habang nakatingin sa akin sabay lipat ng tingin sa librong hawak ko.
"Magbabasa ka sa gantong kadilim na lugar? Gusto mo bang lumabo lalo yang mga mata mo?" tinabihan nya ako.
May salamin na kasi ako kaya nya nasabi yun. Near sighted nga, malabo parin kahit near na. Super blurred na yung mga bagay na nakikita ko 5 feet away from me.
BINABASA MO ANG
Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)
RomanceOne shot tagalog stories. More on love stories sya. Any kind ha! Ngayon palang nagsosorry na ako sa mga typo or hindi maintindihan na parts. Tao lang :) Enjoy! Maraming salamat po sa lahat ng externalities na naginspire sa akin na magsulat ng ganito...