Ako si Pol, yes Pol, at least that's what my friends call me.
Syempre hindi ganyan spelling ng pangalan ko. Paul Abesamis pala, at your service!
4th year college na ako ng BSBA Management, madali lang pala ang college. Kapag tama ang iyong choice of friends.
OJT lang siguro ang nakakatakot na gagawin ko sa buong buhay ko, next to giving an extemporaneous speech.
Atleast yung speech na yun, panandalian lang. Eh ang OJT, 300 hours! Sakit sa bangs diba?
Siguro nangangalahati na ako dito sa pinag O-OJThan ko. Napunta ako sa HR, dito sila nag iinterview, kinakausap at mga nag e-entertain ng new recruits, at OJT at iba pa.
"Uy tapos ka na?" Bigla akong kinausap ni Maricar. Nawala tuloy ang concentration ko sa pag ta-type ng amounts.
"Baket?" Bulong kong sinabi.
"Samahan mo ako sa accounting, nautusan ako eh"
"Sige teka" Sabi ko at tinapos ko yung page na ginagawa ko at sinave.
"Tara?" Tanong ko nung ako'y nakatayo na.
Tumango sya at nagsimula nang maglakad papunta ng elevator, syempre sumunod na ako.
Ang cute kaya ng accounting floor, andaming busy, di tulad sa HR, pahinga pahinga lang at iutos sa mga OJT ang gawain habang sumesweldo sila ng walang ginagawa. Galing diba?
Dito sa accounting naka cubicle style sila, well ganun din naman sa HR, pero dito, as in, lagpas tao ang cubicle tapos ang laki pa, samantalang sa HR, hanggang dibdib ko lang ang mga cubicle doon.
Sinundan ko si Maricar sa loob at kung saan man sya pupunta, nakakatamad na kasi yung ginagawa ko kaya napasama nalang din ako.
"Anu bang gagawin dito?" Tanong ko.
"Mag papasa daw ng voucher sa recieving"
"Ahh" Tango lang ako.
Pinag titinginan kami ng mga tao doon, well hindi naman lahat, yung iba lang naman na walang ginagawa.
Nung makarating na kami sa loob nagparecieve na si Maricar at kinuha yung copy nya.
"Tara?" Aya nya.
"Sige"
"Nakakatuwa sila tignan oh"
"Oo nga eh" Totoo naman kasi.
"Dami nilang nag tatrabaho no? sa aten, puro popgrammer lang ang gumagawa parang wala nang ginagawa yung iba kundi magkwentuhan" sabi ko.
"Oo nga eh, napansin ko din, pero hayaan mo na, dun na tayo napadpad eh" Sabi nya.
Galing ibang school to si Maricar, pero sya yung partner in crime ko dito sa pinag o-ojt-han ko.
"Uy oh may gwapo" Sabi nya. Napatigil ako sa paglalakad para hanapin.
"Asan?"
"Ayun oh!" Tinuro nya yung isang guy sa payroll department. Naka bonnet, may salamin, pero, yeah, may itsura, di ko lang type.
"Kamukha ni..." Umpisa nya.
"Bruno Mars" Tuloy ko, sabay tawa kami.
"Sigurado magiging crush to ni Gaigai" Sabi nya. Isa pa namin syang ka partner in crime sa department namin.
"Eh di pakita natin para malaman" Aya ko, tutal wala naman akong masyadong ginagawa, nag rerecord lang ng PINE ng mga empleyado. Ano daw ang PINE kamo?
PINE stands for personal information of new employees, kasama na rin dito ang picture nila, kaya pwede ka rin manlait at makakita ng gwapo o maganda sa bawat bigay ng PINE ng supervisor ko or pagpasa ng mga new recruits.
BINABASA MO ANG
Tagalog One Shots (Completed) (One Shots)
RomanceOne shot tagalog stories. More on love stories sya. Any kind ha! Ngayon palang nagsosorry na ako sa mga typo or hindi maintindihan na parts. Tao lang :) Enjoy! Maraming salamat po sa lahat ng externalities na naginspire sa akin na magsulat ng ganito...