#PTG02 || Chapter 02
The first week flew fast. I usually spend my time in the coffee shop para mag-aral. I already tried studying at home, but it still really wasn't for me. Masyado akong nakaka-tulog doon. Masandal lang ako sa sofa, tulog agad ako. At least sa coffee shop, nape-pressure ako na mag-aral kasi maraming nag-aaral. Pressure is a good motivator for me—I do not enjoy the feeling of being left out.
Isa pa siguro na reason kung bakit mas nag-e-effort ako sa law school ay dahil nararamdaman ko na hindi ako sineseryoso ng parents ko. Feeling nila passing fancy lang ang law school. I needed to exert extra effort so that they'd know and respect my decision. That had always been the way I live—I need to work extra hard para lang seryosohin ako ng parents ko. Kasi kahit gaano na ako katanda, they still see me and treat me as a child.
"Feeling mo may prof na?" tanong ni Deanne sa 'kin.
I shrugged. "Sana. Kasi ayoko na madaliin tayo pag patapos na 'yung sem kung wala na namang class."
Although marami naman na akong nabasa, and I think naintindihan ko naman iyong mga nabasa ko, iba pa rin kapag sa prof mismo nanggaling... or if may mali akong naintindihan, at least magkakaroon ng clarification. Ang hirap kasi kapag mali iyong alam mo.
"Ang daming cute sa classroom natin!" Deanne gushed. Napa-tingin ako sa kabilang column. Ewan ko ba naging unspoken rule na yata sa loob ng classroom na nasa isang side lahat ng girls, tapos nasa kabila naman iyong mga lalaki.
"Hmm..." sabi ko na lang. They looked okay naman, but I don't really judge a guy by their looks. I have low tolerance for gagos.
"Bakit? Mukhang okay naman sila. 'Di ka kasi sumama nung nagdinner iyong bloc," pangungunsensya pa ni Deanne. "Sino ba 'yung hinabol mo? Lalaki pero 'di ko nakita kasi malayo na kayo."
I just waved my hand. "Wala 'yun," sabi ko. Ni hindi pa nga sa akin si Jax, maghahanap na ba agad ako ng kahati? Alam ko kasi na maka-crush-an din siya ni Deanne kasi... let's be real, Jax is the real deal. Iyong tipo na pangkasalan na agad. May mga guys kasi na pangboyfriend lang... hindi iyon ang hanap ko. I won't date just for the heck of it—I will only date with the intent to marry. I'm not fond of wasting my time.
We were still in the middle of talking when suddenly, the door burst open. A guy wearing white polo entered the room. Mukhang nasa early-thirties siya. Wala siyang sinabi, but he looked... angry? As in napa-tayo na lang talaga kaming lahat.
"Is this 1S?" tanong niya. We all affirmed. "I'm Atty. Bustillos for Statutory Construction. Fill out the index card, then we'll have our first round of recitation," sabi niya. "Class beadle, please distribute the index card."
Tumayo iyong class beadle namin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kahit nagsusulat lang naman ako sa index card. Deep inside, nagdadasal na talaga ako. Nagbasa ako... pero shit, ayokong maunang magrecite! I feel like I'll mess things up, tapos mato-traumatize for life na ako.
After naming ipasa iyong classcard, nagsimulang magshuffle si Atty. Bustillos ng index card. Para akong nahihilo na nasusuka habang hinihintay na bumunot siya. I could feel the fear inside the room—it was palpable. Para ko na ring naririnig iyong munting dasal ng bawat isa sa amin.
"Mr. Borromeo," tawag ni Sir. Agad na tumayo iyong lalaki mula sa last row. Impit na tumili naman itong katabi ko. Nakuha pang humarot, ako nga e mamatay matay na sa sobrang kaba. This was mental torture! "Define Statutory Construction."
Nagsimulang magrecite iyong classmate ko. Medyo nagjawdrop ako kasi may pa-citation pa si classmate from a decision from the Supreme Court! Maigsi lang iyong sagot niya, pero nandun na lahat. Akala ko magtatanong pa si Sir, pero ang sinabi niya lang, "Give me a number."
BINABASA MO ANG
Play The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be funny when he wanted to... but the problem was, he never saw her as more than his sister's friend. And...