Chapter 12

607K 24.7K 12.5K
                                    

#PTG12 Chapter 12

Jax and I continued with our set-up. Sinusundo niya pa rin ako sa bahay para sabay kaming magbreakfast tapos doon kami nag-aaral sa coffee shop. We'd have lunch somewhere near sa school tapos sa library naman kami mag-aaral. Then, we'd go to class. Depende kung kaninong class ang mauunang matatapos kung sino ang maghihintay.

God, this was the life I wanted to live four years ago pa!

"When's your schedule for midterms?" Atty. Mercado asked. Next week na iyong exams. Ngayon pa lang, ramdam na ramdam ko na iyong takot at kaba. I mean, iyong recitations pa nga lang parang gusto ko ng maiyak sa kaba, sa exam pa kaya?! Baka literal talaga na maiyak ako in the middle of the exam.

"First day, Sir," Faith, the class beadle for Crim, replied.

Atty. Mercado nodded. "Coverage is from the beginning to application of penalties," he said. I mentally groaned. Ang hirap nung sa penalties! Malay ko bang pati sa law school may computation?!

I could feel the heavy energy inside the classroom. Kaka-announce lang kasi kahapon ni Atty. Cruz ng 300 cases to be digested. Iyong first half na 150, to be passed before magsimula iyong exam sa subject niya. Ngayon pa lang, hilung-hilo na talaga ako. Nagkaka-migraine na ako sa dami ng ginagawa at pinapagawa. To think na 2 months pa lang ako dito!

"I'll send to the class beadle the list of cases to be digested. Make sure to write clearly the facts, issues, and ruling. I'll be reading those. Don't even try to write digests from the Internet. You're already law students; don't plagiarize."

'Sana po less than 20 cases lang,' I kept on repeating inside my head. I already fixed my schedule para matapos ko iyong digests sa Consti before the exam. By this rate, kailangan kong makagawa ng at least 25 cases a day. Kung hindi, lagot na talaga ako.

We were dismissed right after. Sobrang lalim ng buntung-hininga ko habang nag-aayos ako ng gamit ko. I was looking forward to tomorrow kasi Sunday. Magde-date dapat kami ni Jax... but with how things were going, mukhang sa bahay lang ako buong weekend hanggang sa matapos iyong midterms.

"Hi..." malungkot na sabi ko nang makita ko si Jax na naghihintay sa labas ng classroom ko. Kunot iyong noo niya. His eyes were looking at mine, questioning what was wrong. "Pwede pass muna ako sa dinner?"

"Why?" he asked habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Kinuha niya mula sa akin iyong CrimLaw book ko kasi mabigat talaga 'yun, and hindi siya kasya sa dala kong bag. Minsan talaga sinasadya ko na liitan iyong dalang bag kasi gusto ko na si Jax iyong nagbibitbit ng dala ko. Wala lang. Para mas obvious na nililigawan niya ako.

"200 cases 'yung ida-digest ko before midterms. Ang sakit ng ulo ko agad," I ranted.

"What subjects?"

"Crim and Consti."

"You want help?"

Umiling ako. "Busy ka rin. Kaya ko 'to," I said, smiling at him. As much as I love pestering Jax kapag may mga hindi ako maintindihan na concepts lalo na sa Crim, ayoko naman na abalahin siya. Nakikita ko kasi siya kapag nag-aaral, and sobrang hirap ng mga binabasa niya. I didn't want to burden him. Sapat na iyong inspiration na binibigay niya sa 'kin.

Habang nasa sasakyan ako ni Jax, biglang nagchat si Iñigo.

Iñigo: hati tayo sa case? Dami iddownload

Katherine: ilan daw? Binigay na case sa crim? Papass naman

Iñigo: ito. 50 cases.

Play The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon