Chapter 14

561K 19.2K 4.8K
                                    

#PTG14 Chapter 14

"Katherine..."

Slowly, I peeled my eyes open. I saw Jax standing before me, carrying his review materials. I yawned and stretched my arms out as I looked around me.

"Kakatapos lang ng exam mo?" tanong ko dahil halos wala ng tao sa paligid. It was unusual... The usual scene after exams was students comparing their answers. Iniiwasan ko 'yun. There's no use to me getting frustrated dahil mali ang sagot ko. So, as much as possible, I do not discuss my answers. Tapos na, e. Ano pa bang magagawa ko? Besides, I didn't want the frustration to carry over the next days. Marami pa akong kailangang sagutan.

"Twenty minutes ago," he said.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?" I asked while I was picking up my things. Mas nauna kasi iyong exam ko sa kanya. Dapat maghihintay lang ako dito, but I guess I fell asleep. Today was the last day of the midterm exams, and I was spent as hell. Kung saan-saan na lang talaga ako nakaka-tulog.

Sabay kaming naglakad ni Jax papunta sa labas. He's the one who usually drives, but this week, I told him na balik driver muna siya. It's not safe for him to drive lalo na at alam kong puyat siya. Kung puyat ako, paano pa siya?

"You look so tired, so I let you sleep for a while," he said, then got the books from my hands kahit na ang dami niya ng dala. I just let him. He said kasi na he likes to do things for me. And I like seeing him put the effort. Pa-kunswelo man lang sa four years na paghihintay ko, noh!

"Pangit na ba ko?" I asked, pouting. "Gaganda na ulit ako after nito. 'Wag mo akong iiwan, please?"

He rolled his eyes while shaking his head. Kinulit ko lang siya nang kinulit hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. I greeted Kuya Eduard as I got inside. I was still stifling a yawn. God, I was so tired! I felt like I needed to sleep for days para maka-recover sa lahat ng kalokohan na nangyari ngayon!

I yawned again nang masandal iyong ulo ko.

"Pagod na pagod na ako," I said as I leaned my head against his shoulder. Hindi naman siya umaangal. Palagi ko na tuloy ginagawa.

I saw his phone lighten up. Nakita ko iyong pangalan nung least favorite kong classmate niya.

"Psh."

"What?"

"Close ba talaga kayo niyan?"

"Who?"

I pointed at his phone. "Yan. Close ba talaga kayo?" I asked. Kasi tuwing magkasama kami ni Jax, madalas ko talagang nakikita na nagnonotif iyong pangalan niya. Text nang text! Wala ba siyang ibang ma-text? Obvious naman na ako iyong nilalandi ni Jax, pero bulag-bulagan lang yata talaga siya.

He handed me his phone. "You wanna read her texts?"

I shook my head. "Ayoko. Privacy mo 'yan."

"I'm waiving my privacy," he said, still handing the phone to me. "Come on. Basahin mo na. Wala naman akong tinatago."

Inalis ko iyong pagkaka-sandal ng ulo ko sa balikat niya tapos tinignan siyang mabuti. "Sure ka?"

He nodded. "Yeah."

"Talaga lang..." I said, glaring at him. "Kasi kahit cute ako sa paningin mo, masama akong magalit," I threatened him. Never pa akong nagka-boyfriend, pero kapag naiimagine ko dati na kami ni Jax tapos lumandi siya sa iba, laging nag-e-end up iyong scenario sa sabunutan. Aba, ang tagal kong hinintay si Jax, papayag ba ako na agawin siya?!

Play The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon