Chapter 17

601K 20.9K 8.5K
                                    

#PTG17 Chapter 17

"Katherine..." malambing na tawag sa akin ni Jax. Agad akong napa-tingin sa kanya habang naka-arko iyong kilay ko. Ano'ng nangyayari? Jax never does malambing! May kailangan siguro 'tong lalaking 'to!

I eyed him. "May ginawa ka bang kasalanan?"

We were in the library. It was awfully cold. Puno kasi lahat ng coffee shop sa paligid ng school kaya no choice kami kung hindi sa school mag-aral. Thankfully, walang tao masyado sa med-lib. Ayoko rin kasi i-take iyong risk na sa law library kami mag-aral. Mamaya makita ko pa mga classmate ni Jax, e. Ang lakas pa naman ng inis sa akin ng mga 'yun. Wala pa nga akong ginagawa sa kanila! Paano pa kaya kapag may ginawa na ako? E 'di namatay na sila sa inis sa akin?

Agad siyang umiling. "What? No."

My eyebrows were still on full-attack mode. "Bakit para kang tuta d'yan kung magtanong?" I asked, crossing my arms against my chest. Buti na lang nasa dulo kami kaya walang tao talaga. We were surrounded by books. I mean, books, coffee, and Jax? This was definitely my happy place.

"It's Dad's birthday this Friday. Do you wanna come?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Invited ba ako?"

He rolled his eyes. Tignan mo 'to! Valid naman 'yung tanong ko! Tapos nagtataka siya sa akin kung bakit minsan kinukurot ko siya out of the blue? Kasi naaalala ko randomly mga pag-irap niya sa akin!

"I'm inviting you, am I not?"

"Bakit? Ikaw may birthday para ikaw mag-invite?"

"Di ka talaga matino kausap," naiiritang sabi niya tapos binuksan iyong libro niya. Hinarang talaga niya sa mukha niya iyong libro para hindi ko siya makita. Tignan mo 'to! Ang pa-baby talaga minsan! Feeling ko minsan sinasadya niyang magtampo para suyuin ko siya, e. Tsk. Mga galawan mo talaga, Juan Alexandro.

I stood from my chair, tapos lumipat ako sa vacant seat sa tabi niya. I poked his cheek.

"Galit ka?"

"Tsk."

I poked his cheek again. "Sorry na... Saan ba 'yung venue? And ano'ng tingin mong magandang gift for Tito?" I asked, then poked his arm this time. Ang sungit talaga ni Jax. Hindi tumatalab iyong pagsundut-sundot ko sa kanya.

Gusto ko pa sana siyang kulitin, but then, I remembered na estudyante nga rin pala ako. I got my book, and then studied, as well. Doon lang ako sa tabi ni Jax, though. At dahil nasa tabi ko siya, napapansin ko na nagruruler pa siya kapag nagha-highlight! Sobrang OC ni Juan Alexandro.

After a while, I felt a pang of hunger. Tumayo ako para bumili ng pagkain. Akala ko tatawagin ako ni Jax, but he ignored me. Bahala siya d'yan.

Paglabas ko, dumiretso agad ako sa cafeteria para bumili ng food. Habang naka-tayo ako at namimili ng pwedeng kainin, biglang may tumawag sa akin.

"Ms. Arellano."

"Mr. Borromeo."

Iñigo was beaming as he stood beside me. "Uminom kami ng bloc after exam. I sent you a text," he said.

I shrugged. "Wala akong nabasa."

He arched his brow. "Kahit iMessage 'yun? Kahit nakita ko na naging read iyong status nung message?"

I rolled my eyes. "Bakit naman ako sasama? 'Di kaya ako gusto ng blocmates natin," I honestly said. I didn't know who was at fault, really. As far as I could remember, wala akong ginagawang masama sa kanila. Tahimik nga lang ako sa room, e. Si Iñigo and Deanne lang ang kinakausap ko. Minsan, si Maven din kasi inintroduce kami ni Psalm dalawa. Akalain mo magpinsan pala 'yung dalawa na 'yun? Sobrang layo nilang dalawa, to be honest.

Play The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon