#PTG04 Chapter 04
Gusto kong malungkot dahil kay Jax. Akala ko kasi okay na kami... But every time I'd think that our relationship's improving—at least for me—bigla na naman siyang gagawa ng paraan para maalala ko kung saan ako naka-tayo sa buhay niya. It was making me really sad. I just wanted him to see me. I just wanted him to at least consider me... but I really couldn't just push myself on him. Alam ko na kapag mas nagpumilit ako sa kanya, mas lalo lang siyang lalayo sa akin. Because I was exactly the same person—the more you pull me, the more I'd push.
No one wants to be told what to do.
But... but maybe this was one of the upsides of law school. I didn't have time to wallow over Jax's implied rejection. Patung-patong na ang mga binabasa ko. Gustuhin ko mang magmukmok sa pagsusungit ni Jax sa akin nung isang araw, hindi ko magawa. Not when I was buried in mountains of reading!
Faith: Hi! Posted in the college's page na 'yung additional cases for the class. Also, reminding you to attend class. We don't want to boycott Atty. Mercado. Thank you.
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Seriously?! Ni hindi pa nga ako nakaka-hinga sa mga cases na binabasa ko for Crim, dadagdagan na naman?!
"Ugh! Papatayin ba ako dito?!" reklamo ko, but I knew nothing I say would lessen the number of readings I had. Ugh! Alam ko marami din akong binasa for college, but this was on a whole new level of crazy! Hindi na naubus-ubos!
Pagpunta ko sa page ng college, iyong irita ko ay napalitan ng panic. There was a list containing the additional 15 cases na dapat kong basahin for tonight's class. And I knew that I should read all of them unless gusto kong mamatay sa kaba mamaya. Sobra pa naman magtanong si Atty. Mercado. Ultimo ano'ng suot nung victim nung nasaksak siya, tatanungin sa 'yo. Halata tuloy kapag nagba-bluff ka lang.
An hour before the class starts, naka-ready na ako papunta sa school. If not for Yaya na pinilit akong kumain kahit sandwich man lang, hindi ako makakakain. Sobrang nasusuka iyong pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan. Never akong naging ganito nung college.
Pagdating ko sa school, dumiretso agad ako sa classroom. Nandun na halos lahat ng classmates ko. Mukhang confident naman sila. Mas nakaka-pressure. Bakit ba dito ako napuntang section?!
"Natapos mo lahat?" asked Deanne.
"Barely," I groaned. I wanted to finish everything, but it was just impossible! Kung gusto kong mabasa lahat, ibig sabihin skim lang ang gagawin ko, but hindi ko naman maiintindihang mabuti. It was an impossible choice! "You?" I asked.
"Hanggang People v Yambao lang ako," she said.
I was about to answer when the door swung open. Shit. Patay na.
Pagdating ni Sir sa gitna, nagdasal lang kami. Nang ilabas niya iyong yellow index cards mula sa brief case niya, sobrang rinig na rinig ko na iyong tibok ng puso ko. Literal na naninikip iyong dibdib ko!
'Lord, nag-aral naman po ako... But please 'wag po akong matawag sana ngayon. Promise mas gagalingan ko bukas, but 'wag ngayon, please,' I silently prayed as Sir checked attendance.
Nanlalamig na iyong mga kamay ko nang matapos si Sir. At habang shina-shuffle niya iyong attendance card, pakiramdam ko ay nasa lalamunan ko na iyong puso ko. The hell! Ganito ba ang mararamdaman ko for four years?! Constant fear and anxiety?!
"dela Paz," Atty. Mercado called. "Differentiate Mala in se from Mala Prohibita."
Nanlaki iyong mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Play The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be funny when he wanted to... but the problem was, he never saw her as more than his sister's friend. And...