"MELLODY! samahan mo ko sa fifteen" sabi sa kanya ng kaibigang si Trisha.Natigil tuloy sya sa pagkain ng masebong hamburger na itinitinda sa canteen at napatingin sa kaibigan.Ang tinutukoy nitong "fifteen" ay ang section fifteen.
"Sisilay ka na naman?" tanong nya."Nakita mo na sya kanina sa flag ceremony,diba?"
"Ehh,Math na ang kasunod na subject, eh Kailangan ko syang makita ulit for inspiration", katwiran ni Trisha." Saka ayaw mo bang makita ang crush mong si Carlo?"
Walang nagawa si Mellody kundi pumayag."Sige na nga".
Sigurado syang may mga matang naghatid sa kanila ng tingin habang palabas sila ng classroom.She shuddered.Naglakad sila papunta sa classroom ng section fifteen
Sa General Procorpio S. Mendez Memorial High School,sikat na sikat sa mga babaeng nasa higher section ang mga lalaking nasa lower section.Walang nakakaalam kung ano ang eksaktong dahilan.Attracted ba ang nerdy girls sa maangas na dating ng lower section guys?O baka naman dahil ang lower section guys ay natural na stimulant ng motherly instincts na mayroon ang lahat ng mga babae?
Para kasing laging kailangan ng mga lalaki sa lower section ng mag-aalaga.Laging gusot ang damit,hindi maayos ang kuwelyo,at tastas ang pantalon.O siguro dahil karamihan ng lower section guys ay badboys.Sino bang babae ang ayaw ng Badboys?Kahit nga bading,type ang badboys.Iba nga kasi ang pakiramdam kapag nakapagpabait ang isang babae o bading ng badboy,hindi ba?Nakakaganda√.
Sa wakas ay narating na nina Mellody at Trisha ang tapat ng classroom ng section fifteen.Natatanaw niya ang madilim na loob ng kuwarto.Parang malagkit ang sahig ng kuwartong iyon,marami ring nagkalat na sirang upuan.Walang concept ang mga dekorasyon sa pader,parang hindi nakapagdecide ang adviser ng klase kung gagawing historical ang mga dekorasyon o scientific.Sa huli ay pilit iyong pinagsama kaya hindi nagkaroon ng sense,parang may identity crisis ang classroom.
Recess pa rin kaya marami pang estudyante ang nagtatayuan at nagtatawanan.
"Andito na naman yung dalawang babae sa shekshon two".sigaw ng babaeng pulos cavity ang ngipin at split ends ang buhok." Sisilay na naman ang mga lintek!"
Walang pakialam ang ibang estudyante sa lintaya ng babae,kaya nagpatuloy sila sa pagsilay.
"Ang gwapo-gwapo talaga ni Mark", kinikilig na sabi ni Trisha." Nakikita mo ba ang moves niya?Harsh.lalaking-lalaki".Escort si Mark ng section fifteen.Third year palang sila ay crush na ito ni Trisha.
"Oo nga.si Carlo naman,mysterious," komento ni Mellody.
Si Carlo Vasquez ang inaakala ni Trisha na crush ni Mellody.Si Carlo ang pinakatahimik sa section fifteen.Nasa isang sulok lang ito ng classroom at nakasubsob ang ulo sa armchair ng upuan nito.Gwapo rin si Mark pero sa totoo lang,nagkukunwari lang siyang crush niya ang lalaki.Dahil hindi siya aamin na ang crush niya ay ang kaklase nilang palangiti at laging mabango na si Jeremiah Macabobot .
Walang balak si Mellody na sabihin sa kanyang bestfriend na pangarap niyang bumaho ang kanyang pangalan at gawing Mellody Macabobot.Eh ano kung mabaho?apilyedo iyon ng crush niya.Buong puso niya iyong yayakapin at tatanggapin
AN:
Hi guys please vote and comment💕
BINABASA MO ANG
It Started In High School
Genç Kurgu"Feeling your breathe makes me want to kiss you.For a lot of years,I was kissing you in my imagination.Im craving so much for your lips,its killing me."