Gay #4🍁

2.4K 56 1
                                    

Pag kalabas ko ng company ay malas pa rin ako. Hay ano ba yan walang masakyan. Kung kailan uwing-uwi na ako eh.

Nakatayo lang ako dito sa tapat ng company hanggang ngayon at ilang oras na rin ang nakakalipas ay wala pa rin masakyan kainis!

Pero parang may kakaiba akong nararamdaman sa paligid ko eh. Parang may kanina pa nakamasid saakin, pero hindi ko nalang pinapansin kasi baka wala naman talaga. Nakakatakot nga lang kasi gabi na tapos ang dilim pa.

Ang weird.

Dahil medyo ang weird nga ng nararamdaman ko eh naglakad ako ng kunti hanggang sa may nagtitinda ng mani at dun ako huminto kasi atleast may ilaw siya eh sa kinatatayuan ko kanina ang dilim-dilim.

At dahil minamalas ako ngayon at wala pa rin masakyan at traffic din. Sabi nga ni Barbie ,"What in the world" Hays.

"Kuya pabili nga po sampung pisong mani" agad ko namang binigay ang bayad kay kuya at inabot niya saakin ang binili kong mani. "Salamat po"

"Kuya wala ka bang napapansin?" Tanong ko kay manong nagtitinda ng mani.

"Wala naman po ma'am" Sagot nito. "Bakit po?" Tanong nito.

"Eh kasi po parang may naka-sunod sa'akin kanina pa eh"

"Ah baka wala naman"

"Baka nga po"

Wind blows. Ihhh! Ano bata bat ang lakas ng hangin? Lord plss po bigyan niyo na po ako ng masasakyan natatakot po ako.

Dasal ko sa isip ko at tumingin ako sa dalawang magkabilang daan at wala pa rin talaga. May nahagip ang mata ko may nag-lalakad na lalaki papalapit siya sa'akin. Nakakatakot!

Hala! Lord sige na po sana po may sasakyan na huminto dito natatakot na po ako. Pikit kong dasal.

Hala! Malpit na!

May biglang tumigil na kotse na tumigil sa tapat ko. Sa sobrang takot ko eh na pa sakay ako sa kotse kahit na hindi ko alam kung kanino itong sasakyan pero okay lang kaysa naman natatakot ako sa labas.

Pag kapasok ko ng sasakyan ay... "Ay thank you po lord!" Sabi ko ng malakas at pikit mata.

"Excuse me?" Hala! Unti-unti kong dinilat ang mata ko at...at...at... "Hala! sir Brix, hulog talaga kayo ng Heaven" Akalain mo nga naman Destiny.

"What are you doing in my car?!" Maka singhal naman to.

"Kalma sir, atakihin kayo niyan sa puso sige kayo" He just rolled his eyes. Amputek! Naman lalong nag mumukhang lalaki kahit bakla. "Eh sorry po. Wala po akong masakyan, tsaka po natatakot po ako kasi kanina po parang may naka sunod sakin kaya po ng may napadaan kotse pumasok nalang ako eh di ko naman po alam na kayo ho yun eh" Sabi ko at nag peace sign. "Pwede po bang makisabay nalang?"

"No, bumaba ka na" Sungit may regla ata to eh.

"Eh sige na po sir ngayon lang naman" Pagpupumilit ko. Hindi talaga ako titigil ayoko na lumabas nashokot!

"I said no Ms. Perez" Sabi ulit nito.
Napa tungo naman ako.

"Sige po" at lumabas na ako ng kotse na.

Pag kalabas ko ay binilisan ko nalang ng lakad dahil ang alam ko ay may pinaka malayong terminal duon kaya bibilisan ko na lang para maka uwi pa ako ng buhay.

Hanggang sa mapadaan ako sa may eskinata na madilim at naramdaman ko nanaman na may nakasunod sa akin. Lalo kong binilisan ang paglakad ko dahil sobrang natatakot na talaga ko at naiiyak na ako. Ayoko talag ng ganto ayoko talaga. Maya-maya ay may biglang humawak sa pulsuhan ko.

"Ano ba bitiwan mo ako!" Sigaw ko at sa sobrang takot ay napaiyak na nga ako.

"Shh, calm down Briar it's me" Nag angat ako ng tingin at nakialala ko siya kaya lalo akong na pa iyak.

"Dapat hindi mo nalang ako pinababa" Iyak ko.

"Okay sorry halikana ihahatid na kita" inalalayan niya naman ako maglakad papunta kung saan naka parada ang kotse niya at pinaandar niya na.

And all went black.















~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~
Next Chapter...

To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon