Gay #10🍁

1.6K 44 0
                                    

Dahil late na nga ako ay binilisan ko na lang ang aking kilos.

Ng nasa tapat na ako ng company ay nag-dasal muna ako dahil baka mamaya pagkapasok paniguradong sesermonan nanaman ako nito.

Pag kapasok ko ay sakto andun si sir Brix.

Hayy paano ba to? May stand na tarpulin sa harap ko at dun ako nagtago para kahit ngayong araw lang na ito ay hindi naman ako masermunan.

Habang nasa likod ako ng tarpulin ay nakikita ko si sir na papalabas na. At lumingat pa ako saglit at tinignan ko ulit kung andun pa si sir pero wala na.

Ang bilis naman nun mawala.

Lalabas na sana ako sa pag kakatago ng may nag salita. "Hey, what are you doing there?" Nanigas ako sa kina tatayuan ko ng makilala ko kung kaninong boses iyon.

"Ha...he...he..."

"Huh? What happen to you? Para kang statwa diyan." Sabi nito.

Hala paano na ba to? Kaya lang naman ayaw ko magpakita sa kanya dahil baka pagalitan niya ako at...naiilang ako sa kanya.

Unti-unti akong humarap. "Ay sir andito ka po pala..."

"Yes im here. Anong ginagawa mo diyan sa stand?"

"A, e ano kasi sir..." ano kaya magandang palusot? Isip? Isip?

Ting! Bright idea Briar.

"Ano kasi sir eh tinataguan ko kayo." Kumunot naman ang noo niya. "Gugulatin ko sana kayo eh kaso nahanap mo ko." Buong ngiti kong sagot.

"Ha-ha it's that a joke?"

"Ha-ha hindi po."

"Your kinda weird today Briar." Sabi nito.

"Hehe sige po sir mag tatrabaho na po ako." Sabi ko at dali daling nag lakad takbo papalayo.

Buti nalang at mukhang hindi maiinit ulo saakin ni sir ngayon at hindi niya ako pinagalitan kahit late ako

Pero ano kayang meron at hindi niya ako pinagalitan? Ang weird din ni sir ngayon.

Natapos ang trabaho ko ngayong araw ng maayos at wala ring paramdan si sir Brix. Ano kayang nangyari don? Siguro sobrang dami niyang ginawa ngayon. Andito ako ngayon sa opisina ni sir kakamustahin ko lang at ibibigay ko na rin yung mga pinaprint niya sakin nung isang araw, kaso lang paano ko ibibigay e tulog.

Pag-pasok ko sa opisina ni sir ay nakita kong nakapatong ang ulo niya sa desk at natutulog. At ang dami ring nakakalat na papel sa desk niya, naka bukas rin ang computer niya.

Lumapit ako para tignan siya at inayos ka na rin ang mga papel na nagkalat at wala akong maintindihan sa mga nakasulat. Hay kawawa naman ang sir Brix ko. Ang daming trabaho.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para tignan ko ng malapit ang kanyang mukha. Jusko! Hindi ko akalaing makakatagpo ako nang gantong kagwapong tao. Saang planeta ba ito galing.

Sa sobrang pag titig ko sa kanya ay hindi ko mapigilan na haplusin ang kanyang makinis na mukha at bigla siyang gumalaw. Patay! Nagising ko ata si sir.

Dumilat ito at tumingin sa akin. "What are you doing?" Inalis ko agad ang kamay ko sa mukha niya.

"Hehe. Sir wala po. Ginigising ko lang ikaw." Sabi ko.

"So, is that the way you wake me up? Tanong niya habang may pang asar na ngiti sa labi niya.

Letche! Nahuli ata ako.

Namula naman ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan. "Sir naman eh..." Ngumuso naman ako.

"Haha. I was joking." Lumapit ito sa akin at pinisil ang pisngi ko.

Oh my gosh! Kulang na lang ay maging form na nakamatis tong mukha ko eh.

Inayos ko ang upo ko at humarap ako sa kanya ng walang pagka ilang. "Brix hindi ka pa ba uuwi? Iaabot ko na sana sayo ito kaso lang natutulog ka. Mukha ka nang panda oh! Ang laki ng eye bags mo. Natutulog ka pa ba? Baka mamaya niyan hindi ka na rin kumakain, o kaya nag s-skip ka ng meals mo! Nako! Masama yan baka mag kasakit ka!" Pag-aalala ko rito. Kasi mukha na talaga siyang zombie na pogi.

Bigla naman siyang tumawa. Hala! Nababaliw na ba siya?! Epekto rin ata yan ng pagkapagod niya.

"Uyy! Hala! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?"

"Hindi ko alam na ang sweet mo pala at caring na tao. Ngayon lang may nag-alala sa akin." Sabi niya. Titig ma titig siya sa mga mata ko. "Iuwi na lang kaya kita sa bahay para palagi pag ka uwi ko may sasalubong at may mag-aalala sa akin." Sabi pa nito na ikinagulat ko.

"Ay! Hindi pwede sir may bahay naman ako eh at tsaka baka hanapin ako ni mama eh." Sabi ko.

"Don't worry Bri. Ipinaalam na kita sa mama mo na dun ka matutulog sa bahay ko ng isang linggo..." What! "At pumayag ang mama mo." Pumayag si mama!

"Ah e bakit ba ako makikitira sa iyo ng isang linggo?" Tanong ko.

Kinuha niya ang isang katerbang papel at humarap sa akin." Because, you will help me na matapos ko itong lahat. Kaya halika na umuwi na tayo para matapos na natin nag first batch." Sabi niya at inilahad ang kamay niya sa akin at kinuha ko naman iyon.

Hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang sa pag labas ko ng opisina at hanggang sa maka punta kami sa parking kung saan naka parada ang kotse niya.

Mahaba-haba rin ang byahe namin at hindi ko na lang na malayan na nasa tapat na kami ng bahay niya.

Lumabas na ako ng kotse. " Wow! Ang laki naman ng bahay mo. Kulang na lang maging palasyo na." Manghang sabi ko.

"Yeah, I know... ang laki diba? Pero ako lang naman ang nakatira diyan." Medyo malungkot na sabi nito.

"Huh? Eh asan ang mommy at daddy mo?" Tanong ko.

"Hmm wala na sila..." Malungkot na sabi niya. Kaya nakaramdam ako ng awa.

"Sorry." Sabi ko.

"It's okay. That's not your fault." Sabi nita at ngumiti siya ulit. "Halika kana. Pumasok na tayo sa loob." Sabi niya at kinuha nag kamay ko at pumasok ka kami sa loob ng bahay niyang mala palasyo sa laki.

Hay nako mukhang hindi pa agad ako makakapag pahinga nito.

Ang dami pa naming tatapusin ni sir.
































































~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~
Next Chapter...

To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon