Gay# 19🍁

1.1K 26 4
                                    

Nandito ako sa parking lot at iniintay si Brix, nag kasi sa akin na intayin ko daw siya dito dahil ihahatid niya raw ako pauwi sa bahay.

To Brix:

Huyy! San kana? Tagal mo.

Ang tagal kasi niya eh kanina pa ako nag iintay dito sakit na nga ng binti at paa ko dahil sa kanina pa ako nakatayo.

From Brix:

Eto na sweetie pababa na ung elevator.

Napatawa naman ako at nag reply na lang ako ng 'okay' Hays tagal talaga, diko ata siya na inform na mainipin ako.

Maya-maya pa ay dumating na din sa wakas.

"Kala ko nakatulog kana sa elevator eh" biro ko dito. Sumimangot naman ito.

"Sorry, may iilang papers pa akong pinirmahan." Sabi nito.

Ngumiti ako sa kanya, "okay lang, ano kaba." Sabi nito.

Lumapit ito sa akin at hinalikan ang akin noo, nekekeenes telege tong bekeleng toh, pinakikilig na lang ako palagi, rapin ko toh eh.

"So, how was your day?" Tanong nito nang makapasok na kami sa kotse.

"Huh? Anong how was your day?" Tanong ko dito.

"Kamusta araw mo? Sa Tagalog" Sabi nito. Luh! Nag aadik ata toh si Brix.

"Alam ko. Ang ibig kong sabihin, bakit mo ako tinatanong eh buong araw tayong magkasama" bigla naman kimunot ang noo niya.

"Ay! Oo nga no" tsk! Naka shabu ata eto eh.

Hinarap ko naman siya, "umamin ka nga, nag da-drugs kaba ha?" Tanong ko at bigla naman itong pumreno, kaya ayun sapul noo ko aww! " Huyy! Ano ba Brix? Gusto mo na mamatay?" Inis na sabi ko dito.

"What the hell! Hindi ako naka drug okay!" Lumapit ito sa akin tinignan ang noo ko. "Ayan tuloy namumula oh." Sabi nito.

"Kasalanan mo yan" Sabi ko.

"I know" Sabi niya at lumapit sa bandang noo ko at hinalikan niya kung saan yung namumula. "Oh yan, wala na." Sabi niya. Nginitian ko naman siya. Ang sweet talaga ng Mahal ko.

Sana ganito na lang kami palagi sana hindi na matapos lahat ng kasiyahan at kasweetan niya sa akin. I hope.

•••

3 months passed

"Sweetie, nakita mo ba iyong necktie na regalo mo sa akin?" Tanong nito at halungkat nang halungkat sa mga lalagyan niya ng mga neckties niya at ng Hindi niya pa rin makita ay sa mga damitan niya naman siya nag hanap.

Ang kalat na.

"Ang dami pa namang ibang necktie diyan eh" sabi ko dito. Lumapit ako sa kanya at inayos ang mga pinagkakalat niya. Para na tuloy ukay-ukay ang kwarto niya.

Humarap ito sa akin at sinimangutan ako, "eh gusto yung regalo mo yung gamitin ko eh."

Humarap ako sa kanya, "isang linggo mo na iyong gamit ah! Iba na lang muna ang gamitin mo.

Lalong lumukot ang mukha nito, hays, bakit ganun? Ang pogi pa rin niya kahit naka simangot siya, ang pogi niyang tignan kahit saang anggulo.

"Eh, Sweetie, gusto ko yun ang gamitin ko eh." Sabi nito na parang bata.

Isinuot ko na lang sa kanya yung isa pa niyang necktie, " ito na lang muna ang gamitin mo ha. Hahanapin ko na lang iyong niregalo ko sa iyo at lalabhan ko na rin, ang dami mo ng tambak na labahin eh." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng bahagya

He gave me a fast kiss, "okay, sige, I love you" and he hugged me.

Ngumiti naman ako sakanya, " i love you too. Oh sige na pumasok kana, male-late kana oh" sabi ko dito.

"Bye Sweetie! I love you ulit, wag ka mag-papagod ah." Sabi nito. "Hatid mo ako sa may pinto." Paglalambing nito.

"Hays, kailangan paba kitang ihatid talaga? Magkikita naman tayo mamaya ah." Sabi ko.

"Sige na please."

"Sige na nga." Sabi ko, agad niya naman na hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Ay nakakaloka! Kailangan talagang manghila.

"Bye na Sweetie" he said and kissed me on my lips.

"Sige, mag ingat ka ah, tumingin sa daan ha, at yung pasalubong ko." bilin ko sa kanya.

"Haha, okay okay." Sabi niya na tumawa.

Pagka- alis niya ay agad kong inayos ang mga kinalat niyang mga damit. Isa-isa kong pinulat ang mga sleeves at slacks niyang nag kalat, sinunod ko naman ang mga boxers at brief-- what the hell! Pati ba naman yan!

Pag katapos ay nilabhan ko na ang mga marurumi niyang damit. Hanggang ngayon pinagtataka ko pa rin kung bakit ni isa ay walang katulong si Brix dito sa bahay niya, eh ang yaman- yaman at sobrang afford niya rin ang mag hire ng mga katulong dito. Tinanong ko din naman siya kung bakit Wala siyang katulong pero ang sabi niya lang ay sa susunod na lang siya mag ha-hire. Kailan kaya Yung susunod na yun? Pag nag-reklamo na ako na ayaw ko na gumawa ng gawaing bahay sa bahay niya?



Tanghali na ako natapos na magsampay ng mga nilabhan ko, Kaya naman gutom na ako. Niluto ko na lang kung ano ang nakalagay sa ref.

Pagkatapos nun ay wala na akong magawa, kaya naisipan ko na lang na pumunta sa library dito sa bahay para naman di ako mabagot. Sobrang daming libro, karamihan ay puro about sa business lang.

Umupo ako sa may sofa at, pagka upo ko ay parang may naupuan ako na bagay pero di ko alam kung ano yun. Tumayo ako at kinapa ung ilalim ng sofa at may nakapa ako... may bra--- what?!BRA?! Bakit may bra dito?!!!




























~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Next Chapter...

To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon