Gay #5🍁

2.3K 53 1
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko.

"Hey, get up. Wala ka sa bahay niyo"
Ha? Ano raw? At dahil kagigising ko lang wala pang nag sisink sa utak ko kung ano ang sinasabi ng lalakin--- Hala si sir pala.

"Ay! Hehe sir good morning" Nako nakakahiya Briar. Unti unti ko nang naalala ang nangyari kagabi at mas lalong nakakahiya.

Tumingin ako sa paligid ko dahil hind pamilyar. "Na saan po ako" In my unit." Ha? Unit? Wow!

"Eh kanino po to'ng kwarto?" Tanong ko

"Nasa guessroom ka" Tipid na sagot nito at napa "ah" nalang ako.

"Get up, have some breakfast in outside in the dining" Ay may pa breakfast si sir. Kaso lang nakakahiya na eh.

"Ay, hindi na po kainin mo nalang po yan kasi uuwi na po ako. Nakakahiya na po kasi eh."

"What?! Nag-hirap akong magluto tapos hindi ka kakain!" Hala! Umagang umaga galit. Naku! Masisira ang beauty natin Inday! Well, gwapo pa rin naman siya kahit galit.

"Sinabi ko bang mag-luto ka" Mahina kong sabi pero mukhang narinig. Ops! Bad mouth Briar.

"What?" Naka lagot seryoso na.

"W-wala po...s-sabi ko kakain na ako. Kasi nagugutom na ako eh" Huhu great.

Tumayo na ako at nag lakad papunta sa dining area habang sinasabayn ako ni Brix maglakad papunta sa dining. At nagsimula na kaming kumain.

Ba't ganun ang awkward. Parang hindi ko tuloy malasahan at ma enjoy ang pagkain. Itlog, Ham, bacon at hotdod ang ulam at may sinangag pa.

"Ahm, salamat po sa pag papasakay sa'akin kagabi sir... pasensya na po kayo kung naki tulog po ako dito sa unit niyo. Pasensya na po sa abala."

"It's okay don't mention it. At hindi ko natanong sa iyo kung sa'an ang bahay mo dahil naka tulog kana. Hindi na kita ginising dahil mukhang pagod ka, and you also look...scared" sabi nito. "Bakit ka nga ba takot na takot?" Tanong nito.

Sa sobrang seryoso niya at sa tanong niya ay medyo natahimik ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang dahilan o mananahimik na lang ako. Kasi wala naman siyang pakielam saakin diba.

"Ah wala po iyon. Ganon lang po talaga ako kapag sobrang dilim" sabi ako at tinuloy ko na ang pagkain ko.

"Are you sure? Im willing to listen naman" Ba't ang friendly?

"Kasi noong bata pa ako lumabas ako sa bahay namin ng walang paalam at kung saan-saan ako napadpad naligaw ako, eh gabi nun sobrang dilim at sa pag kaka tanda ko may biglang humila sakin na lalaki at..at...at muntik na akong marape." That's the truth. Na trauma ako kaya natatakot ako ka pag madilim at parang minsan may sumusunod sa'akin.

"I'm sorry, dapat pala talaga hindi nalang kita pinababa ng sasakyan" He apologize.

"Naku sir ano kaba wala yun. Ikaw na nga tong naabala ko tapos nakitulog pa ako sa inyo. Ay! Wala po akong pambayad sa inyo ah" Bigla siyang tumawa.

"Whoa, that's new"

"What?"

"Natumawa po kayo. Kasi nasanay ata ako na palagi kang seryoso" Sabi ko. Totoo naman.

"Know what i have a secret to tell you" Ay ano yun? Baka sasabihin niya na bakla siya. Ay! Di na kailangan. "I. Like. You." Lumapit siya sa'kin at ibinulong iyon sa mga tenga ko. Ano daw? Jusko ang puso ko mukhang natangal na talaga sa rib cage ko.

I like you

I like you

I like you

I like you

Hindi ba pwedeng I love you? Hehe charot lang. Pero teka ano raw? Gusto niya ako? What in the world!

"Hey!" He snap his fingers.

"H-ha ano yun?" Walang masabi. "Anong i like you sinasabi mo diyan?" Baka mas lalong umasa eh. Mahirap na.

"I mean your light person. Ang masayahin mo at joker" Oh really.

"Ako rin naman po eh I like you to sir" I love you pala dapat.

"Why?" Tinatanong pa ba iyon

"Eh syempre po boss ko kayo dapat lang na gusto ko kayo. Diba po?"

"Yeah. Tapos kana ba? Ako na mag liligpit ng mga iyan at pwede kanang umuwi at baka malate kananaman.

"Sige po. Kukunin ko lang po yung mga gamit ko sa kwarto" Sabi ko at bumalik ulit sa silid at kunuha ko ang bag ko.

"Ahm aalis na po ako sir Brix" paalam ko rito.

"Sige. Take care."

Ayyyyyiiiieeeee! Oh my G kanina pa talaga ako kinikilig eh pini pigilan ko lang. Pero ang Ganda ng Umaga ko.








~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~Next Chapter...

To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon