@Palengke UNO

3 0 0
                                        


-ASHE CATHLEEN-




"Mga suki! Bili na kayo rito!"


"Ate, ano pong hanap niyo?"


"Ay, ate murang mura rito! Bili na kayo!"



Haaaay... Buhay palengke nga naman. Juskooooo! Araw araw na sigawan? Sanay ako d'yan!

Mabuti na lang at maaga kaming pumunta rito sa palengke nang maaga rin kami makapaglatag ng paninda. Hayy... Ang buhay kailangan magtrabaho para may kitain.

Ako si Ashe Cathleen Reginio. 18 years of age— CHAROT. 20 na lola niyo. Sabi nga ni papa Dan, "Single but never alone." Kasi? Meron akong loka lokang bff na kababatang beks. Jin Draven Pascual aka Jiana. Oh, diba? Pang papa 'P' ang aura pero pang barbie ang peg. Araw araw kasama ko 'to dito sa palengke. Katuwang sa pagtitinda ng mga oh so fresh na mga isda. Kaya kung ako sa inyo, bili na kayo rito!

Ako ang reyna ng palengke, sabi ng mga kapwa kong tindera rito. Aba! Bakit nga naman hindi? Bukod sa fresh na fresh ang mga paninda ko, fresh na fresh din ang nagtitinda. Oh, 'di ba? Bongga!

"Girl! Nakakainip naman! Parang ang tumal ng aura natin ngayon, ah!" At ito, mukhang nakaramdam na ang bakla. Napapansin ko rin kasing parang wala ngang masyadong tao ngayon na bumibili sa'min.

"Wait ka lang, baks! Malay mo, na-late lang 'yang mga suki natin! Baka nakakalimutan mong malakas tayo sa mga costumer natin."

"Korak ka d'yan girl! Hala sige tumawag pa tayo. Mga suki! Bili na kayo! Mga isdang fresh na fresh! Mas fresh pa kesa sa mga asawa niyong bagong ligo!" Natatawa na lang talaga ako sa baklitang ito.

Alas nuwebe ng gabi na kami nakauwi dahil nag-extend kami ng oras sa pagtinda. Makadagdag kita man lang.

Dumiretso agad ako sa kwarto kung saan nagpapahinga ang nanay ko.

"Nay, andito na po ako. May dala po akong pagkain para sa inyo. Kumain na po kayo." Paggising ko sa kanya. Malamang hinintay na naman ako ni nanay umuwi kaya hindi pa ito kumakain.

"Anak, nandito ka na pala. Kamusta sa palengke? Marami bang bumili sa inyo ni Jin?" Tanong sakin ni nanay habang inihahanda ko ang mesa.

"Gano'n pa rin naman po, Nay. Pasensya na ho kung medyo ginabi na ako ng uwi. Alam niyo naman ho. Kailangan kong magkaroon ng dagdag kita para sa gamot ninyo. Kaya wala po kayong dapat gawin kundi ang magpagaling. Maliwanag ho ba 'yon, Nay?"

May sakit kasi sa puso itong si nanay. Kaya kinailangan kong magkaroon ng malaking mapagkakakitaan ng higit sa palengke. Kahit naman napupunan namin ang panggamot ni nanay sa pagtitinda sa palengke, hindi pa rin iyon sapat dahil kinakapos rin kami minsan pag matumal talaga ang benta. High school graduate lang ang natapos ko at 2nd sem lang rin sa college kaya hirap din akong makakuha ng magandang trabaho.

"Naku, anak. Wag mo na akong masyadong intindihin. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko pati nandirito lang naman ako sa bahay." Paliwanag ni nanay.

"Nay naman. Syempre mag-aalala ako sa inyo. Tayong dalawa na lang ang magkasama, oh. Iniwan na nga tayo ni tatay, dinala pa niya si kuya Curvy."

Sampung taon na kasi ang nakakalipas nang iwan kami ng tatay ko at isinama pa nya ang kuya ko. Si kuya Azir Curvy Reginio.

"Ikaw palagi mong aalagaan ang sarili mo. Hangga't maaari, palagi kayong magkasama ni Jin para panatag akong ligtas at maayos ka palagi." Eto na naman si nanay sa pagbibilin. Nakakaramdam talaga ako ng kakaiba 'pag ganito siya magsalita, eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Palengkera QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon