chapter 16

2.7K 41 0
                                    

3 years later...

"Jascha! Another success!" Tiling saad ni Cat, ang manager ko.

Ipinakita nito ang tablet niya kung saan nakalagay ang isang article na about sa ni release na magazine namin last week na ako ang nasa cover. And as usual, sold out agad ito sa first day palang.

"Andami talagang nagmamahal sayo. Don't you think na dapat sila naman ang regaluhan mo?"

Oh no. Alam ko na kung saan pupunta ang usapang ito. Catherine will just ask me na ipakita ko na ang mukha ko sa public. But the answer will be still no.

Ayoko. Almost 2 years na ako sa modelling industry and so far, so good. Maganda naman ang takbo ng career ko. Pero sa lahat ng photo shoot ko, hindi ko pinapakita ang mukha ko. I always wear a mask.

Yun yata ang isang dahilan kung bakit andaming fans ko. It's thrilling and at the same time exciting. Alam kong atat na atat na silang makita ang tunay kong mukha pero sorry nalang sila dahil ayoko.

"Fine, magpapakuha ako ng photoshoot para sa next magazine na walang maskara. But naka side view lang. Yung hindi kitang kita ang mukha ko"

Napanguso naman si Cat at bumuntong hininga.

"What is your problem Jascha? Maganda ka naman ah! Bakit ayaw mo bang ipakita yang mukha mo sa publiko?" Tanong nito sakin. Ngumiti ako dito at inayos na ang bag ko.

"Let's just say I'm hiding" sagot ko dito at isinara na ang bag ko.

"Hiding? From whom?" Takang tanong nito.

Tumayo ako ng maayos at isinukbit sa balikat ko ang bag ko.

"It's a secret. Ciao!" Paalam ko sabay kindat pa dito.

Napailing nalang si Cat at kumaway sakin paalis.

I am Jascha Rei Sandoval Batalier.  That is my new name. Dalawang taon ko na rin itong ginagamit simula ng palitan nina mama at papa ang apelyido ko.

But in modelling, I am known as Valiant. Si Kuya Jayce ang nagbigay ng stage name ko. Because I am brave ang courageous daw.

Eng eng niya.

Pagakarating ko sa bahay unang bumungad sakin si Kuya Jayce na prenteng naka-upo sa sofa. Nakataas pa ang paa nito sa center table habang nanonood ng soccer sa t.v

"Hey" bati ko at pabagsak na umupo sa tabi nito.

"Sino sa tingin mo ang mananalo diyan?" Walang tingin tingin nitong tanong sakin. Napatingin naman ako sa harap ko. Hindi ko alam kung sino bang team tong nag-lalaban dahil hindi naman ako fan ng soccer pero sa tingin ko, itong team na naka red ang mananalo. Magaling kasing umagaw ng bola mula sa kalaban nito.

"Yang red"

"Are you sure?" Nanunuyong tiningnan ako nito.

"Yep" walang ganang sagot ko.

"Wanna bet?"

"Sure. Pag nanalo ako, magpapakalbo ka sa buong katawan mo. Ultimong buhok sa kili-kili mo wala kang ititira" ngising sagot ko dito. Tumalim naman ang tingin sakin ni Kuya.

"Ano? Wanna bet?" Tanong ko dito.

"Fine pero pag nanalo ako, mag papa short hair ka at mag papalabas ang kumpanya ng bagong magazine na kita na ang mukha mo"

Okay, ayoko nalang palang mag pustahan.

"Call?"

"Ayoko" sagot ko at tumayo na. Akmang aalis na ako ng biglang ilipat ni Kuya ang channel.

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon