chapter 23

2.5K 46 0
                                    

Napaiwas ako ng tingin at nag panggap na wala akong narinig

Wala naman talaga ah! Wala akong narinig.

Narinig ko ang pabuntong hininga nito sabay paandar muli ng kotse niya.

"Saan mo gustong kumain?"

"Sa Fearless Industry muna tayo. May aayusin lang ako sa sched ko tungkol sa pictorial para sa susunod na linggo" sagot ko at sinulyapan ito.

Patay! Mukhang nabadtrip siya sa pangaasar ko. Kasalanan ko bang pikon siya?

"Any partner?"

"Yup. Yung kasama namin sa Japan si Marcus tapos may bago daw model. Magiging kapartner ko rin siya"

Napakunot ang noo nito habang tinatahak namin ang daan papunta sa kumpanya.

"Bat dalawa?"

"I don't know. Yun ang gusto nila eh"

Wala na akong natanggap na tugon mula kay Zeb pagkatapos nun. Hanggang sa makarating kami sa Fearless Industry, hindi niya parin ako kinikibo.

Nemen eh! Ano ba!

"Papasok ka rin ba?" Tanong ko sabay turo sa building.

Umiling lang ito at tumalikod.

Napaawang ng kaunti ang bibig ko at tumingin ng masama dito.

Ah ganun? Walang pansinan? Sige! Try nga natin kung maka survive ka.

Padabog ako tumalikod dahil leche lang. Naiinis talaga ako.

Ang pikon pikon niya. At hindi ko na iyom kasalanan.

Kasalanan ko ban sadyang makulit lang ako? Hindi! Kung hindi niya iyon matatanggap then bahala na siya.

I mumbled through my way inside kaso napatigil ao ng may humawak na naman sa palapulsuhan ko at hinigit ako.

Again sa mga higitan na iyan! Nakakatatlo na ngayong araw ah! Uso uso talaga sa kanila.

"Bakit? Akala ko gali-"

"I forgot something" saad nito at hinalikan ang noo ko.

Napanguso naman ako. Bat sa noo lang?

Ay leche, anu bang ineexpect ko?

Gagi.

"Geh, alis na" pagtataboy ko dahil sa totoo lang, nalulungkot tong malandi kong puso dahil hindi niya ako kiniss sa lips.

"Hindi pa ako tapos" saad nito ulit at hinalikan ako sa tungki ng ilong.

Ayan na ayan na! Malapit na!

Saad ng makulit at malandi kong puso.

Hoy! Wag assumera!

Sabi naman ng isip ko.

Mahina akong napailing. Ano ba yan nababaliw na ako.

"Oh? Tapos ka na?"

Ngumiti ito at umiling.

Ayan na! Ayan na! Lips na yan!

Napapikit ako at hinintay dumampi ang labi niya sa labi ko but to my dismay, sa cheeks ko dumampi ang labi niya.

I groaned then gave him a mad face.

"What? He said chuckling"

I rolled my eyes at tumalikod na.

"Bye" walang ganang saad ko pero again, hinila nito ako palapit at mabilis na hinalikan ang mga labi ko.

"Happy?"

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon