chapter 4

3K 46 0
                                    


(Zeb's POV)

"Where tha h*ll is that woman?!" Inis na sambit ko ng paglabas ko ng banyo, wala akong Jascha na naabutan. 

Nagsuot agad ako ng damit bago lumabas ng motel. Iginiya ko ang paningin ko pero wala akong nakitang babae. Tumakbo ako sa kabilang kalsada kung saan ang 7/11 kaso wala rin ito.

Inis akong napasabunot sa buhok ko. I knew that woman was a trouble. Saan ba yun nagsusuot? Akala ko gutom na siya.

Tumakbo agad ako pabalik sa motel. Basang basa na ulit ako kaso wala akong pakialam.

"Bata, may nakita ka bang babae dito? Hanggang bewang ang buhok at ganito kataas?" Tanong ko sa isang batang lalaki na naglalakad papasok sa motel.

"Ah! Yung magandang babae po? Nakita ko po siya kasama ang isang grupo ng lalaki. Papunta ata sila doon" saad nito at itinuro ang parking lot.

Agad napantig ang tenga ko ng marinig kong may kasamang mga lalaki si Jascha.

Tumakbo ako papunta sa direksyon ng parking lot at hinanap ang babaeng kanina ko pa hinahanap.

(Jascha's POV)

Nasa pinakadulo na kami ng parking lot at medyo may kadiliman na dito ang kaso, wala namang sasakyan dito.

Napatingin ulit ako sa apat na lalaki at ngumuso.

"Asan ang sasakyan niyo?" Tanong ko. Nagkatinginan silang apat at sabay na ngumisi.

Hindi ko alam pero agad akong umatras. Todo kabog ng malakas ang dibdib ko at napalunok ako.

Waahh!! Niloloko lang nila ako? Anong balak nilang gawin? Hoholdapin ako? Gagawing pang ransom? Nanakawan? Papatayin?

"A-anong kailangan niyo? Kung pera, pwes wala akong pera. 100 pesos lang nga ang pera ko. Kinuha ko pa to sa wallet ng amo ko" kinakabahang sagot ko habang paatras ako ng paatras tapos sila naman naglakad palapit sakin.

"Ku-kung cellphone ito nalang po oh. Ibibigay ko nalang. Cherry Mobile J2S po naman yan. Tig 2,000" offer ko sa kanila pero no effect. 

Nakangisi parin sila habang pahakbang palapit sakin.

Nanginginig na ako dahil mukhang alam ko na ang gagawin nila sakin.

Gusto kong sumigaw kaso walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Huwaaa!! Mas gusto ko nalang palang mamatay na virgin kesa sa madiverginize nitong mga mokong na to. 

At naka reserve na po to sa boss ko. Huwaaa!! Boss! Help me.

"Huwag kang matakot miss. Wala naman kaming gagawin sayong masama eh" saad ng isa at tumawa.

Pinanindigan na ako ng mga balahibo dahil dito at naramdaman ko ng anytime ay tutulo na ang mga luha ko.

Feeling ko katapusan ko na ngayon. Huhuhu kung mabubuhay man ako, promise ko hindi na ako sasama sa ibang tao ulit.

Tatakbo sana ako ng biglang hawakan ng isang lalaki ang mga braso ko at ibinalibag ako sa pader. Napadaing ako dahil sa sakit ng likod ko.

Tumulo na isa isa ang luha ko habang napapadaing sa sakit ng likod ko.

Lumapit yung isang lalaki at hinawakan nito ang panga ko. 

"Wag kang mag-alala. Hindi ka na namin sasaktan kung susunod ka lang ng maayos samin. Sinisigurado ko, mag eenjoy ka sa gagawin namin" bulong nito sa may tenga ko. Automatic na nagsitayuan ang balahibo ko sa batok at tinuhod ang tiyan nito.

Napadaing naman ito sa sakit dahil sa ginawa ko. Sisigaw na sana ako ng takpan agad nito ang bibig ko.

Nagpupumiglas ako kaso hinawakn ang dalawang lalaki ang mga kamay ko.

"Matapang na babae. Tingnan nating kung magiging matapang sa pa sa gagawin namin" galit nitong saad at pinunit ang damit ko.

Napasigaw na ako ng tuluyan kaso wala namang lumalabas sa bibig ko dahil nakatakip parin ang kamay nito sa bibig ko.

Tiningnan ako nito hanggang sa bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Gusto ko silang tadyakan at pagmumurahin kaso hawakhawak nila ang mga kamay ko.

Napahikbi na ako ng tuluyan at nagpupumiglas sa hawak nila.

"Ready?" Saad nito at humalakhak. 

Napapikit na ako habang piping nagdadasal. Zeb! Tulungan mo ako!

"Get your hands off my woman" napamulat agad ako at mukha agad ni Zeb ang nakita ko.

Nanlilisik ang nga mata nito at nakakuyom ang mga kamao niya.

Unti unti na akong kumalma dahil alam ko, ligtas na ako sa mga oras na ito.

A/N

Awtsu! Lame? Hahahah sorna guys, writer's block is striking again.

PS:sorry sa short ud
Pps: sorry talaga

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon