chapter 19

2.3K 33 0
                                    

(Zeb's POV)

Asan na ba ang batang yun? Papatayin talaga ako ni Kuya Yuan once na mawala ko ang anak nito.

"Kisha, are you sure na dito pumunta ang pasaway mong kakambal?" Tanong ko sa babaeng pamangkin ko. She nodded towards me at iginala ang paningin nito.

"There!" Turo niya. Sinundan ko naman ng tingin ang tinuro niya.

Si Kirk tapos may kausap itong lalaki ata? Base sa pananamit nito at pag-galaw mukhang lalaki. Marami namang mga lalaki na rin diba ang nagpapahaba ngayon ng buhok.

Nakita kong ginulo nito ang buhok ni Kirk.

"Kirk!" Tawag ko. Napatingin naman sakin ang lalaki. Nanlaki ang mga mata nito at agad na ibinaba ang bull cap na suot nito.

Naningkit ang mata ko.

Wait, she looks familiar?

Malayo kasi kami sa kinatatayuan nila ni Kirk kaya medyo mahirap kong aninagin kung sino ba ting lalaking to.

Lalapitan ko na sana ito ng bigla itong magpaalam kay Kirk at patakbong umalis

Napakamot ako sa batok ko at nilapitan si Kirk.

"Sino yun?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang ito at nauna ng maglakad.

She really looks so familiar. Parang kamukha ni Jascha.

"Come on Tito! I'm hungry na po!" Reklamo ni Kisha at hinila hila ang laylayan ng damit ko

Napabuntong hininga ako at naglakad na paalis.

Hinatid ko lang ang dalawang pamangkin ko sa mga magulang nila. Kung bakit ba kasi trip nilang dalawang gawin akong baby sitter.

Ang gwapo ko naman ata para maging baby sitter lang nila. Sabagay, maganda at gwapo naman ting mga pamangkin ko kaya okay na.

Agad akong pumunta sa Fearless Industry hoping to see Jaacha again. It's been a week pero hindi ko parin siya nakikita.

Last na pagkikita namin ay yung lumagapak ito sa sahig. Hindi ko na siya nahabol dahil mabilis itong tumakbo.

"Good morning Mr. Cruise" bati ni Jayla, ang isa sa photographer dito.

Tipid lang akong tumango dito at dumeretso na sa 5th floor dahil pag-uusapan daw namin ni Manager Cat ang magiging schedule ko for photo shoots, modelling and interviews.

"Okay Jascha, a little bit to the left"

Napatigil ako ng marinig ko ang pangalan ni Jascha sa loob ng kwartong nadaanan ko.

Agad akong lumapit dito at bahagyang binuksan ang pinto.

Doon, nakita ko ang ibang staff ng Fearless. Busy sa kanilang mga gawain.

Natuon ang atensyon ko sa mumunting stage na puro puti ang background.

Nakatayo doon si Jascha. She's wearing a simple shirt na pinilipit sa dulo para bahagyang umangat ito at kita ang tiyan niya. Then ripped jeans, naka brown boots ito at bonet.

"That's it. Good job Jascha!" Puri ng photographer nito.

Napaawang ang bibig ko ng makitang bahagyang nag-iba na ang itsura nito. Kailan pa siya nagpa short hair? Last time I saw her sa isang magazine, hanggang pwetan ang buhok nito. But nevertheless, she is still the same Jascha 3 years ago. Her looks may have change but not for me.

Kahit ano pang ayos niya, maganda parin siya sa paningin ko.

Napailing ako at nilakihan ang siwang ng pinto. D@mn it. At kailan pa ako natutong maging corny? Lintek na pag-ibig. Pag tinamaan ka nga naman, nakakabaliw.

"Good jod Jascha! Your really fit for this job" narinig kong untag ng photographer nito at inayos na ang camera. Napangiti naman si Jascha at hinubad na ang bonet nito suot.

Wait, I know that guy. Siya yung kasama ni Jascha sa beach. Noong unang may- never mind.

"Thanks Kuya Quinton" saad nito at binigay sa isang babaeng lumapit sa kanya ang bonet.

"It's my job Jascha" sagot naman ng lalaki at inagbayan si Jascha.

I felt a pang of pain in my chest. Napakuyom rin ako ng kamao habang nararamdaman kong parang bumibigat ang paghinga ko.

D@mn it. I don't want to feel jelous pero ayun yung nararamdaman ko. Bakit ba kasi ang tanga ko.

Tama nga naman ang kasabihang malalaman mo lang ang halaga ng isang tao pag tuluyan na itong nawala sa buhay mo.

Lumingon dito sa may pinto si Jascha at aksidenteng nagtaman ang paningin namin. Nanlakiiang mata nito na parang nagulat pero saglit lang iyon. She gulped then nawala bigla ang emosyon nito sa mga mata niya.

It's like I'm looking inside an empty shell. Ang dating mata ni Jascha na punong puno ng buhay at kasiyahan, ngayon wala na.

Did I made her felt like that? Ako ba ang dahilan ng pagkawala ng buhay nito sa mga mata niya.

D@mn it. I wanna punch myself for being an asshole. Dapat hindi ako nagpadala noon sa emosyon ko. Dapat pinakinggan ko siya. Dapat hindi ko siya sinigaw-sigawan at itinaboy. Dapat pinahalagahan ko siya.

I looked at her one more time. Dumaan saglit sa mga mata nito ang sakit at lungkot pero agad rin iyong nawala.

To my surprised she smiled genuinely to me.

"Long time no see ZZ"

A/N
Sorry sa short ud

GUYS, ANONG MAGANDANG TITLE PARA SA STORY NILA YUAN???

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon