chapter 22

2.4K 37 0
                                    

"Can you explain what happened a while ago?" Saad ni Kuya sa kabilang linya.

May hawak akong baso ng gatas sa kabilang kamay ko habang sa kabila ang cp ko tapos may kagat kagat pa akong tinapay.

Ibinaba ko muna ang hawak ko at kinuha ang tinapay sa bibig ko.

"Wala Kuya. Nag papraktis lang ako para sa acting ko. Kunyari, ikaw ang asawa ko" pagdadahilan ko dito.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya sa kabilang linya.

"At kailan ka pa naging artista? Last time I checked, your a model" sambit nito. Napangiti nalang ako at umupo na sa mesa.

"Sideline. Geh kuya, next time ulit. Mag be-beauty rest pa ako. Love you"

"Love you too sis" at pinutol na nito ang tawag.

Kinain ko na ang pang midnight snack ko at nag toothbrush na.

Akmang matutulog na ako ng biglang may nag door bell sa pinto ko.

Tingnan ko ang orasan. It's already 10:47 pm. Sino namang taong dadalaw sakin sa gantong oras?

Lumapit ako sa pinto at dahan dahang binukan ang pinto.

Napatili ako at napatalon sa gulat.

"Anong ginagawa mo dito?!" Bulyaw ko kay Zeb. Oo, tama kayo ng basa.

Nandito sa tapat ng condo ko si Zeb at may dalang dalawang maleta.

"I told you from now on, I will be living with you" saad nito at hinila ang maletang dala niya papasok sa loob.

Ay walanghiya! Sinabi ko bang pumasok siya? Ha? Ha?

"Anak ng pucha! Labas!" Bulyaw ko sabay turo ko sa labas.

"Sshhh! No bad words" saad nito at umupo sa sofa. Kinuha nito ang pocket book kong nakapatong sa mesa at binuklat ito.

Naka dequatro pa ito habang nakaupo.

Aba aba! Feel at home ang shokoy.

"Your reading this?" Sabay taas nito sa libro kong PHR.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Paki mo ba? Ako naman ang nagbabasa hindi ikaw. At pwede ba, alis!" Pangtataboy ko dito.

Pero nginisihan lang ako nito at humiga pa talaga sa sofa.

Manhid ba siya o ano. Hindi niya ba nararamdaman na hindi pa akp ready makita siya?

Naman oh! Ang manhid!

"I have no where to go kaya dito nalang muna ako. Magpapakabait ako promise, pagsisilbihan pa kita. Wag mo lang akong paalisin" sambit nito. Hindi ko alam kung seryoso ba to o ano.

"I don't care, wala ka bang ibang bahay na pwedeng puntahan? Kina Draze or kay Kuya Yuan"

Pero umiling lang ito. Pinaningkitan ko ito ng mata. Makikitira siya sakin pero in return, pagsisilbihan niya ako.

Napangiti ako ng palihim. Wahahahhah evil laugh.

"Okay, payag na ako. Pero dito ka lang sa sala" saad ko at mabilis na pumasok sa kwarto.

Okay, where is he again?

Nandito ako sa tapat ng building ng condo ko. Sabi kasi ni Zeb, hintayin ko daw siya dito sa labas kaso isang minuto na akong naghihintay, wala parin siya.

Hindi charots lang. Mga 30 minutes na akong nandito pero wala parin siya.

"Am I too early?" Bulong ko sa sarili ko sabay tingim sa wristwatch ko.

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon