chapter 17

2.7K 34 0
                                    

"Kuya! Alis na po ako!" Sigaw ko at lumabas na ng bahay. Naabutan ko si Mang Nestor na hinahanda na ang Ducatti ko sa labas ng gate.

"Hi po! Good mornibg po!" Bati ko. Ngumiti naman sakin ang matanda at nagpaalam ng aalis ito.

Isinuot ko na ang helmet ko at umangkas sa motor ko sabay paharurot nito sa isang convenience store kung saan ako paminsan minsa nagtatrabaho kung wala akong project.

I'm still the old Jascha. Sa una ay ayaw pa nga akong payagan ni mama na mamasukan doon kaso nahpumilit ako. I want to remember the old me. Gusto ko parin namang maranasan ang buhay ko noon. Isang simple at masaya lang. Walang kaproble-problema.

Inihinto ko ang motor ko sa gilid ng convenience store at pumasok na dito.

"Good morning Pao!" Bati ko kay Pao na siyang kasama ko dito sa pagtatrabaho.

"Morning Jaja! How's life?"

"Eto, maganda parin" pabirong sagot ko at inilagay ko ang helmet ko sa ilalim ng counter.

"Gagi. Alam ko naman yun. Hindi mo na kailangang ipamukha sakin. At pwede ba, itali mo yang hangggang pwet mong buhok. Na iinsecure eketch" saad nito sakin at inirapan pa ako.

Napailing nalang ako at ipinusod na ang buhok ko. Sa ilang taong nakalipas, hindi ko talaga ipinaputol ang buhok ko. Kung dati ay hanggang sa bewang lang ito, ngayo, hanggan pwet na. Umiiksi lang ng konti kung kinukulot ang dulo nito.

"Ayern, much better. Oh sya, ikaw muna ang bahala dito ha! Kukunin ko lang ang ibang stock doon" paalam ni Pao. Pumuwesto naman ako sa counter at nagtrabaho na bilang cashier.

Makalipas ang ilang oras, tuluyan ng napagod ang balakang ko. Napatingin akosa orasan. Alas tres na ng hapon. It means, tapos na ang shift ko! Si Pao naman ang papalit sakin at ako naman, pwede ng umuwi.

Pumasok ako sa locker room namin at kinuha doon ang mga damit na naiwan ko dito kahapon.

"Uuwi ka na Jascha?" Tanong ni Pao habang dala dala ang mga panibagong stocks na ilalagay nito sa mga shelf.

"Oo eh. May gagawin pa kasi ako"

At totoo naman yun. May interview ako mamayang 3:30 para sa isang magazine.

"Aww, sayang naman" nakangusong saad nito.

Lumabas na ako ng locker room at kinuha ang helmet ko sa ilalom ng counter ng biglang bumukas ang pinto ng store. Napaangat kaagad ako ng tingin at akmang sasalubungin ang customer kung hindi lang ako naunahan ni Pao.

"Hi Sir! Welcome!" Bati nito. Napatingin ako sa lalaking nakatalikod sa pwesto.

"Ano pong kailangan niyo Sir?" Tanong ulit ni Pao kaya nabaling ang paningin dito ng lalaki.

Automatic na nanlaki ang mata ko at agad ng squat ng mapagtanto ko kung sinooang bagong customer na pumasok dito.

Sh!t sh!t sh!t! Andami daming convenience store dito pa talaga nagawi.

"Anong gusto niyong kainin?" Rinig kong tanong nito. Pero kanino? Isinuot ko na ang helmet ko at dahan dahang sumilip sa ibabaw ng counter upang hindi ako mapansin ni Zeb.

"I want Ice cream!" Saad ng isang batang babae na tyansa ko ay nasa tatlong taon at nakahawak sa laylayan ng damit ni Zeb.

At sino naman ang kasama niyang bata? Hindi kaya anak niya ito?

Napakurap ako sa sarili kong tanong at umiling ilin. Eh ano namang pakialam ko kung anak nga niya ito? Edi mabuti! Congratulations for him dahil nakuha na nito ang kailangan niya.

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon